Nagugutom sumipa sa 10.4% sa nakalipas na 3 buwan — SWS
MANILA, Philippines — Lumobo lalo ang bilang ng mga pamilyang Pilipinong nagsasabing nakaranas sila ng kawalang pagkain. Ito’y sa kabila ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susugpuin ng gobyerno ang kagutuman.
Ito ay matapos i-survey ng Social Weather Stations ang nasa 1,500 respondents mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao bago magtapos ang Hunyo gamit ang harapang panayam.
"The national Social Weather Survey of June 28-July 1, 2023, found that 10.4% of Filipino families experienced involuntary hunger — being hungry and not having anything to eat — at least once in the past three months," wika ng SWS nitong Miyerkules.
"The June 2023 Hunger figure was higher than the 9.8% in March 2023. However, it was lower than the 11.8% in December 2022."
Ang naturang self-rated hunger rate ay suma ng pinagsamang mga datos na ito:
- moderate hunger: 8.3%
- severe hunger: 2.1%
Tumutukoy ang "moderate hunger" sa mga nakaranas ng gutom nang isang beses o minsanan, habang ang "severe hunger" ay tumutukoy sa mga madalas o palaging gutom.
Nangyayari ito sa kabila ng sinabi ni Pangulong Marcos na nakatulong sa 1.8 milyong pamilya ng mahigit 7,000 Kadiwa stores na itinayo ng gobyerno para makapaglako ng mas murang pagkain, bagay na nailalagay ngayon sa kontrobersiya dahil sa diumano'y anomalya sa pinagkunan ng mga ibinebenta ritong produkto.
Nagugutom tumalon sa NCR, Balance Luzon
Tumaas ng poryento ng kagutuman sa Metro Manila at Balance Luzon. Taliwas ito sa kinalabasan sa Mindanao kung saan nagkaroon ng pagbaba.
Halos hindi ito nagbago para sa Visayas
"As of June 2023, the experience of hunger was highest in Metro Manila at 15.7%, followed by Balance Luzon (or Luzon outside Metro Manila) at 11.3%, the Visayas at 9.3%, and Mindanao at 6.3% of families," dagdag ng SWS.
"The 0.6-point rise in Overall Hunger between March 2023 and June 2023 was due to increases in Metro Manila and Balance Luzon, combined with a steady percentage in the Visayas and a sharp decline in Mindanao."
"Compared to March 2023, the incidence of hunger rose by 5.0 points in Metro Manila, from 10.7% to 15.7%. It rose by 2.6 points in Balance Luzon, from 8.7% to 11.3%."
Maliit ang ibinago nito sa Visayas mula sa 9.7% noong Marso 2023 habang dumulas ito nang husto sa Mindanao ng 5.4 puntos mula sa dating 11.7%.
Ang naturang pag-aaral ay hindi kinomisyon at sariling inisyatiba lang ng SWS.
Ika-18 lang ng Hulyo nang simulan ng Department of Social Welfare and Development ang food stamp program nito upang sugpuin ang kagutuman sa mga mahihirap at iba pang bulnerableng sektor.
At lahat ng ito ay nangyayari habang tinataya ng Department of Agriculture na tataas ang presyo ng gulay sanhi ng nagdaang Super Typhoon Egay.
- Latest