Proteksyon sa LGBTQIA+ community vs diskriminasyon, tiniyak ni Marcos Jr.
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community na poprotektahan sila ng gobyerno laban sa diskriminasyon batay sa sexual orientation at gender identity o expression.
“I just wanted to say hello and to let you know that we in the Philippines ay ang habol lang naman talaga natin is that everybody is treated not for any other thing, not for race, not for creed, not for orientation, but just as Filipinos,” anang Pangulo sa LGBT Pilipinas sa isang meeting sa Malacañang.
Naniniwala rin si Marcos na hangga’t ang lahat ay nananatiling tapat sa ideya ng pagkilala sa kapwa Pilipino, lahat ay dapat tratuhin nang patas at walang diskriminasyon.
Sa Pilipinas aniya ay mas open-minded ang mga tao kumpara sa ibang bansa.
“Dito sa Pinas, wala, okay lang ‘yan basta kilala mo naman ‘yan, kilala mo na. ‘Yung pagkatao ang tinitingnan natin, hindi ‘yung kung ano-ano pa,” ani Marcos.
Ang nasabing prinsipyo aniya ang sinusunod ng adaministrasyon.
Itinutulak ng LGBT Pilipinas ang higit na visibility at representasyon sa burukrasya sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng paglikha ng isang advisory body o komisyon sa LGBTQIA+ affairs sa ilalim ng Office of the President.
Humihingi ng suporta ang grupo kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa pag-endorso ng panukala nito.
Ang Unang Ginang ay tumugon sa pagsasabing: “Knowing my husband, I’m sure he will grant the wish “because he knows that you all campaigned for him and he wouldn’t be there without you guys.”
Itinatag noong Hunyo 2016, ang LGBT Pilipinas ay ang tanging SEC-registered na pambansang alyansa ng mga organisasyon, network, at kaalyadong grupo ng LGBTQIA+ sa buong bansa.
- Latest