Oil spill recovery sa MT Empress, tapos na – PCG
MANILA, Philippines — Nakumpleto na ang paglilinis sa oil spill at wala ng laman ang mga tangke ng langis ng lumubog na M/T Princess Empress.
Gayunman, magpapatuloy ang containment efforts, na kasalukuyan ay humigit-kumulang 95 porsiyento ng mga apektadong baybayin ay malinis na ngayon at “very minimal traces” na lang ng langis ang natitira sa barko, ayon sa tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Armand Balilo.
Aniya, wala nang laman ang walong tangke na may kaunting pipe drips o tulo, na hindi na mababawi sa pamamagitan ng siphoning.
Paliwanag ni Balilo, marami pa ring dapat gawin at ngayong linggo ay susuriin pa upang matiyak na nalinis ang mga apektadong baybayin.
Ang M/T Princess Empress ay may dalang 800,000 litro ng industrial fuel oil nang magkaroon ito ng problema sa makina noong Pebrero 28, 2023 na humantong sa paglubog nito sa tubig ng Naujan, Oriental Mindoro.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 24,698 mangingisda mula sa Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas ang naapektuhan.
Ginastusan ang oil spill ng tinatayang P4.99 bilyon sa produksyon habang ang mga apektadong pamilya ay inilagay sa 42,487 o 200,244 katao na naninirahan sa 262 barangay sa tatlong rehiyon.
- Latest