^

Bansa

RPMD: First termer na mga mayor sa Pinas, kinilala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang “Top Performing First-Term City Mayors in the Philippines” sa isinagawang independent at non-commissioned “Boses ng Bayan” survey, na nagpapakita ng kanilang kapuri-puring pamumuno at makabuluhang kontribusyon sa kani-kanilang mga lungsod.

Binigyang-diin sa ulat ang pambihirang pagganap nina Mayors Eric Singson ng Candon City (92.8%), Jeannie Sandoval ng Malabon (91.9%), Along Malapitan ng Caloocan (91.8%), at John Rey Tiangco ng Navotas City (91.82%) na statitistically-tied sa 1st rank.

Pumangalawa si Mayor Denver Chua ng Cavite (88.85%) at Mayor Indy Oaminal Jr. ng Ozamis (88.78%). Nasa ikatlong posisyon sina Mayor Bambol Tolentino ng Tagaytay (88.29%), Mayor Lucy Torres ng Ormoc (87.91%), Mayor Geraldine Rosal ng Legaspi (87.55%), at Mayor Sheen Tan ng Santiago (87.42%) .

Nasa ikaapat sina Mayor Albee Benetiz ng Bacolod (83.72%), Mayor Pao Evangelista ng Kidapawan (83.57%), Mayor Joy Pascual ng Gapan (83.48%), Mayor Bruce Matabalao ng Cotabato (83.16%), at Mayor Henry Villarica ng Meycauayan (83.12%). Sina Mayor Jane Yap ng Tagbilaran (82.15%), Mayor Baste Duterte ng Davao (82.11%), Mayor Bullet Jalosjos ng Dapitan (81.92%), Mayor Paul Dumlao ng Surigao (81.73%), Mayor John Dalipe ng Zamboanga (81.56% ), at si Mayor Marilou Morillo ng Calapan (81.32%) nasa ikalimang puwesto.

Ang “performance assessment” ng “first-term City Mayors in the Philippines” ay napakahalaga dahil ito’y nagtatasa ng kanilang kakayahan na mamuno at tuparin ang mga pangako sa kampanya. Ito’y nagtataguyod ng pananagutan, transparensiya, at pagtupad sa mga obligasyon sa publiko. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng kanilang mga lakas at kahinaan, ang mga alkalde ay makakatanggap ng suporta para sa pagpapabuti at mas mahusay na paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan. Ang mga pagsusuring ito ay nagpapalakas din ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng transparensiya at pagkakamit sa mga lideratong performance, ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD.

vuukle comment

RPMD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with