TVET, kabuhayan para sa drug dependents isinulong ni Sen. Go
MANILA, Philippines — Inihain ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 2115 na layong i-institutionalize ang technical-vocational education and training (TVET) at livelihood program para sa rehabilitated drug dependents.
Sinabi ni Go na kinikilala sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang pangangailangan ng sustainable programs sa paggamot at rehabilitasyon ng mga indibidwal na naging biktima ng mapanganib na droga.
Kaugnay nito, binanggit niya na ang Technical Education and Skills Development Authority ay nagpatupad ng “aftercare and follow-up programs” na ang layo’y magbigay ng skills training para masiguro ang pangmatagalang paggaling ng drug dependents.
Noong 2017, nakinabang sa TVET at livelihood program ng TESDA ang nasa 13,258 drug dependents, habang noong 2021 ay nasa 8,730 dating drug dependents ang nabigyan ng scholarship.
Sinasabing nasa 8,257 sa kanila ang matagumpay na nakatapos ng iba’t ibang kursong sinimulan ng programa.
Sinabi ng senador na ang pag-institutionalize sa probisyon ng TVET at livelihood program para sa rehabilitated drug dependenta ay maaaring maging mahalagang bahagi ng kanilang recovery journey.
Magbibigay-daan ito sa kanila na muling isaayos ang kanilang buhay, manatiling nakatuon sa komunidad, at makahanap ng makabuluhang trabaho.
- Latest