^

Bansa

P1 milyong cash gift bill sa mga Pinoy centenarian lusot na sa House

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lusot na sa House of Representatives ang panukalang batas na magbibigay ng P1 milyong cash gift sa mga Pinoy na aabot sa 101 taong gulang.

Dito’y aamyendahan ng House Bill 7535 ang Centenarian law (Republic Act 10868) na sa halip na P100,000 ay magiging P1-M na ang matatanggap ng mga masusuwerteng Pilipino centena­rians.

Ang HB 7535 ay pina­bora ng 257 mambabatas at walang kumontra.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng P1 milyon ang mga Pilipino na umabot sa 101 taong gulang, nasa Pilipinas man o nasa ibang bansa.

Samantala, ang mga aabot naman sa edad 80 at 85-anyos (octogena­rians), 90 at 95 (nonagenarians) ay bibigyan ng tig-P25,000. Ang mga ito ay makakatanggap din ng liham mula sa Office of the President.

Samantala, ikinatuwa ni dating Deputy Speaker at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ang pagpasa ng HB 7535 o ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo na P1 milyon sa mga Filipino centerian na aabot sa 101 taong gulang.

Ayon kay Atienza, ang nasabing panukala na kanyang pet bill na “Pilipino Milyonaryo” na kanyang inihain noong 18th congress ay maghihikayat sa mga pamilya ng mga senior citizens na patuloy pang alagaan ang kanilang mga minamahal na lolo at lola gayundin para mapalakas ang traditional family values na kultura ng mga Pilipino na pagrespeto at pag-aalaga sa mga nakakatanda.

Habang ang ibang kultura umano ay inilalagay sa nursing homes ang mga lolo at lola sa halip na alagaan ng sarili nilang pamilya ang mga Pilipino naman ay nagbibigay ng pagmamahal, atensyon at pag-aalaga na dapat ibigay sa mga senior citizens.

Pinasalamatan din ni Atienza ang kasaluku­yang liderato ng Kamara at mga miyembro nito na nagsulong ng kanyang sinimulan.

CASH

GIFT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with