^

Bansa

Suspensiyon ng taripa sa electic vehicles palawigin pa — sociologist

Philstar.com
Suspensiyon ng taripa sa electic vehicles palawigin pa â sociologist
Kuha ng mga plug-in hybrid electric vehicles.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinimok ng propesor ng sosyolohiya at political science at isang fellow para sa edukasyon ng think tank Stratbase ADR Institute na si Louie Montemar ang gobyerno na palawigin ang saklaw ng suspensiyon ng taripa sa electric vehicles (EVs) dahil maaari itong maging “real game-changer.”

Sa isang kolum, sinabi ni Montemar na ang suspensiyon ng taripa para sa EVs at mga piyesa nito ay kinakailangang maging financially inclusive dahil “dinidiskrimina” nito ang hanay ng mga manggagawang two at three-wheeled vehicles lamang ang kayang bilhin.

“Given the soaring price of gasoline, electric vehicles are becoming an even more attractive option for economically disadvantaged Filipinos,” sabi ni Montemar.

Isinaad ng sosyolohista na work enablers ang mga two-wheeled vehicles para sa mga salat na Pilipino lalo na sa mga nagko-commute papunta sa kanilang mga paaralan, trabaho, at para sa mga taong ginagamit ito bilang negosyo.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), mahigit 8 milyong unit ng mga motorsiklo ang naitala sa kanilang ahensiya. Ito rin ang pinakapabor na moda ng transportasyon para sa mga motorista ng bansa.

“These two-wheeled vehicles are work enablers for financially disadvantaged Filipino families, especially as a cheaper alternative to commuting to and from work or school and as a means for deliveries for various businesses,” sabi pa ng propesor.

Sa simula ng taong ito, ipinasa ng gobyerno ang Executive Order No. 12 series of 2023 na naglalayong suspendihin ang taripa sa mga EV at mga piyesa nito mula sa 5% hanggang 30% papunta sa 0%, maliban sa mga electric motorcycle na nakatatanggap pa rin ng 30% import duty.

Sinabi pa ni Montemar na kung mapapalawig ang saklaw ng EO12, matutulungan nitong mapataas ang employment rate ng bansa.

Ito’y una nang sinuportahan ng iba’t ibang stakeholders tulad ni House Deputy Speaker and Trade Union Congress of the Philippines President Rep. Raymond Mendoza na nagsabing ang industriya ng e-vehicles ay makatutulong sa pagbawas ng carbon emission ng bansa at makatutulong sa pagdagdag ng trabaho para sa mga Pilipino.

Idiniin ng propesor na ang mga matagumpay na kuwento ng mga local producer ng e-motorcycles na nakalikha ng mas maraming trabaho para sa mga lokal na komunidad ay maaaring gayahin upang mapalakas ang bilang ng mga lokal na trabaho.

“There is no reason to doubt that these success stories could be replicated. Coupled with a program to support the local industry and bold entrepreneurs and innovators to create and maintain e-vehicles,” dagdag pa niya.

Iba’t ibang think tanks at stakeholders din ang humihimok sa gobyerno na repasuhin muli ang EO at gawin itong mas inklusibo sa pamamagitan ng pagsama sa e-motorcycles.

Layunin ng EO12 na pahinain ang epekto ng climate change at pababain ang bilang ng carbon emission na dulot ng sistema ng transportasyon ng bansa.

Ayon sa datos na nakalap ng WHO, 25% ng Pilipinas ang nakalalanghap ng masamang hangin na may konsentrasyong PM2.5 na mas mataas ng limang beses kaysa sa global recommendation.

ADRI

ELECTRIC VEHICLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with