Gender equality sa trabaho , ibinida ng CSC sa pagtatapos ng National Women’s Month
MANILA, Philippines — Ibinandera ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Alexei Nograles ang mahahalagang kaganapan ng komisyon sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian sa serbisyo ng gobyerno sa katatapos na pagdiriwang ng National Women’s Month (NWM).
Sinabi ni Nograles, na ang kanilang sama-samang pangako ay nagpalakas sa buong partisipasyon ng kababaihan sa lahat ng antas, lalo na sa paggawa ng desisyon at mga posisyon sa pamumuno.
“We should take pride in this unique culminating activity as this reflects decades of gender advocacy efforts of the CSC and the leading role that the Commission plays in promoting gender equality in the entire bureaucracy, be it in the aspect of policymaking, technical assistance, or the implementation of our various programs and projects,” pahayag ni Nograles.
Ayon kay Nograles, ang pangunahing pagsisikap ng gender and development (GAD) ng CSC ay nagresulta sa pagtatatag ng mga programa at polisiya na nagbibigay suporta sa mga batas na nagbibigay proteksyon ng mga kababaihan.
Kabilang dito ang “Disciplinary Rules on Sexual Harassment Cases” na itinuturing na landmark issuance ng CSC.
Binanggit din ni Nograles na ang CSC ay nagmarka dahil sa pagkakaloob ng “work-life balance” sa pamamagitan ng pagpapatibay ng flexible na oras ng pagtatrabaho at pagpapalawak ng mga pribilehiyo sa bakasyon para sa kapwa lalaki at babae.
- Latest