Tingog, tuluy-tuloy ang pagtulong sa nangangailangan
MANILA, Philippines — Lingid sa kaalaman ng karamihan, tuluy-tuloy ang ginagawang pagtulong ng tanggapan ng Tingog Party-list, sa pangunguna ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez, sa mga kababayan nating nangangailangan.
Katuwang ang administrasyong Marcos, walang sawang nagpapaabot ng tulong si Cong. Romualdez, maybahay ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa mga mamamayan ng bansa na naapektuhan ng iba’t ibang uri ng kalamidad.
Matatandaang kamakailan lamang ay namahagi sila ng tig-P3,000 na cash assistance sa may 600 oil spill victims sa Oriental Mindoro.
Bukod sa tulong sa oil spill sa Mindoro, ilang kalamidad na rin tulad ng mga pagbaha sa Visayas at Mindanao at mga malalaking sunog ang inabutan ng ayuda ng Tingog partylist.
“We just want to help those who are in need. Sabihin na natin na we are just sharing our blessings”, ayon kay Cong. Romualdez.
Nagkaloob rin ang Tingog, sa pakikipagtulungan sa Office of the Speaker, ng $100,000 financial assistance sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Turkey ilang buwan na ang nakakaraan.
Bukod dito, namahagi rin sila ng tulong pinansiyal sa may 1,653 pamilya sa Davao de Oro, na naapektuhan naman nang paglindol doon kamakailan.
- Latest