^

Bansa

700K Pinoy nagkaka-TB kada taon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
700K Pinoy nagkaka-TB kada taon
Inihayag ni Dr. Ronald Allan Fabella, Global Fund Advisor ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, na dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 ay hindi nabigyan ng medikal na atensyon.
BW FILE PHOTO

MANILA, Philippines — Nasa 700,000 Pilipino sa buong bansa ang nagkakaroon ng tuberculosis bawat taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Inihayag ni Dr. Ronald Allan Fabella, Global Fund Advisor ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, na dahil sa epekto ng pandemya ng COVID-19 ay hindi nabigyan ng medikal na atensyon.

Ani Fabella, sa taong 2022 nang manumbalik ang gamutan, hindi bababa sa 470,000 Pilipino ang naka-avail ng tuberculosis prevention services.

“Sa ngayon ang good news noong 2022, nanumbalik ‘yung ating services sa TB tulad noong bago pa mag-COVID so nakapagtala tayo ng around 470,000 na nagsimula ng gamutan pero sa estimate ng World Health Organization (WHO) kulang pa ‘yun doon sa dapat na­ting makita so tinatantya nila na mayroong mga 700,000 Filipinos ‘yung may TB every year,” ani Fabella sa DOH Kapihan Forum.

Batay aniya sa global tuberculosis report ng WHO na inilabas noong 2022, humigit-kumulang 60,000 Pilipino ang namatay dahil sa tuberculosis, habang nasa 741,000 Filipino ang nagkaroon ng active tuberculosis noong 2021.

Sinabi ni Fabella na ito ay 15% na pagtaas mula 2015 hanggang 2021.

Paliwanag niya, dahil kasamang naapektuhan ng pandemya ang programa para sa TB eliminations dahil hindi sila nada-diagnose at nabibigyan ng gamutan.

“Sa TB control po kasi ang importante matigil ang transmission at para matigil ang transmission kailangan ma-detect sila at magamot sila. The more nade-detect natin at nagagamot, the more na mapapabilis natin ang pagwala ng sakit na ito,” dagdag pa ni Fabella.

Sinabi niya na hindi lamang masyadong naririnig sa media ang mga ulat sa TB na marami ang namamatay sa bansa, kaya ang tawag nila dito ay ‘silent killer’.

Nanawagan na rin siya sa mga taong may sintomas ng TB na magpakonsulta sa kanilang health centers.

DOH

TUBERCULOSIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with