^

Bansa

PSN, ang namumunong tabloid

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na biro ang  tagal sa sirkulasyon ng pahayagang Pilipino Star Ngayon (PSN). May kasabihan nga ang mga matatanda lalo na ang mga negosyante na ‘pag tumagal ng 30-taon ang isang produkto o kalakal nangangahulugan lamang na matatag na ito, at hindi kayang buwagin.

Sa larangan ng  per­yodiko, ang PSN ang namamayagpag at number 1 na tabloid hindi la­mang sa Metro Manila kundi sa buong panig ng bansa.

Bakit nga ba ang PSN ang ‘namumunong tabloid’ ngayon? Ano ang espesyal at ito ang dyaryo na binabasa ng karamihan?

Nakuha ko ang sagot sa aking paglalakad-la­kad, pagmamasid at paki­ki­pagkuwentuhan sa mga ordinaryong tao, middle class at kahit nasa upper class ng society.

Unang dahilan kung bakit ang PSN ang namumunong tabloid­ ay dahil sa mga balitang­ na­ilalathala nito. Kon­kreto­, totoo at patas ang pagbabalita. Nakukuha ang bawat panig. Ika nga… hindi bias!

Ikalawa, nangingi­babaw ang tunay na ‘journalism’. Ang lahat ng balita at artikulo ay tunay na sinaliksik at hindi­ nagbabatay sa mga naririnig at nakikita. Ang mga balita ay suportado ng dokumento. 

Ang ikatlong rason naman ng paghahari ng PSN ay sa dami ng nagbabasa, anuman ang estado sa buhay, habang ang ika-apat na dahilan ay ‘napamahal’ na sa kanila ang PSN.

Hindi nga raw buo ang araw nila kung hindi­ nakakapagbasa ng PSN. Ika nga nila pang ‘good vibes’. Masarap basahin­ ang PSN habang nag­kakape sa umaga ka­sama ang mainit na pan­desal. 

Sa katunayan may ilang bansa din ang na­rarating ng PSN tulad­ ng Hong Kong na sandigan naman at liba­ngang basahin ng mga kababayan nating Overseas Filipino Workers (OFWs).

Bagama’t umusbong ang  makabagong tekno­­lohiya kung saan maari nang mabasa at makita ang mga balita at artikulo ng PSN sa internet, ma­­rami pa ring gustong nahahawakan at nababasa PSN.

Sa pagsulpot at pag­­dami ng mga paha­yagan­, hindi nag­patinag­ at nagpakabog ang PSN.

Anumang propa­ganda at gimik ang ihain ng mga katunggali ng PSN sa publiko, hindi naman ito kinakagat.Kumbaga ‘tikim’ lang.

Maraming  pahayagan ang isinilang, nag­litawan sa sirkulasyon, subalit buwan lamang ang itinagal at tuluyan nang nagsara dahil sa maling sistema at kawalan ng sinseridad sa pag­susulat ngbalita.

Ang 37-taong pana­natiling numero 1 ng PSN ay indikasyon ng patuloy pa nitong pagsirit sa sirkulasyon ng pamamahayag.

TABLOID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with