^

Bansa

Evacuation center bill pinag tibay na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa botong 307 pabor, inaprubahan na sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang House Bill (HB) 7354 o ang Evacuation Center Act.

Alinsunod sa nasabing panukala ay magtatag ng permanenteng mga evacuation centers sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa para sa panahon ng kalamidad ay dito na ilikas ang mga pamilyang bakwit.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan din na gamitin ang mga eskuwelahan bilang mga evacuation centers.

Kabilang sa mga kalamidad na tinukoy dito ay ang mga bagyo, pagbaha at storm surge.

Bukod dito, ang mga evacuation centers ay maari ring gamitin ng mga biktima ng sunog, pandemya at anumang banta sa buhay.

Samantala ang National Disaster Risk and Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga lokal na opisyal sa mga lalawigan, siyudad at munisipalidad ang naatasang tumukoy ng mga lugar na bibigyan ng mas mataas na prayoridad sa pagtatag ng mga evacuation center.

vuukle comment

HOUSE BILL

NDRRMC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with