^

Bansa

Romualdez, nag-alok ng P500K pabuya vs killers ng Adamson student

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Romualdez, nag-alok ng P500K pabuya vs killers ng Adamson student
Dumalo sa isang misa ang mga estudyante ng Adamson University Manila na nagsuot din ng itim na ­t-shirts bilang pakikisimpatiya sa pagkamatay ng kapwa nila mag-aaral na si John Matthew Salilig. Ernie Peñaredondo
STAR/File

MANILA, Philippines — Nag-alok kahapon si Speaker Martin G. Romualdez ng P500,000 pabuya para sa agarang ikahuhuli ng mga suspek sa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay John Matthew Salilig, isang chemical engineering student ng Adamson University, na hinihinalang nabiktima ng hazing.

Kinondena ni Romualdez ang pangyayari at iginiit na hindi gawain ng isang kapatiran ang patayin ang kanilang mga kasamahan.

“Brothers do not kill brothers,” ani Romualdez. “Frat-related or not, any crime that results to death deserves utmost condemnation.”

“Kung ako na hindi kamag-anak ng biktima ay hindi matanggap ang ganitong karumal-dumal na krimen, how much more ang kanyang mga magulang at pamilya?” Tanong ni Romualdez.

Ikinalungkot ni Romualdez ang kawalan ng pagpapahalaga sa buhay ng mga taong posibleng sangkot sa pagkamatay ni Salilig na itinapon sa isang open field sa Imus, Cavite.

“A loss of life is not acceptable in a civilized ­society like ours,” pahayag ni Romualdez.

“Wala silang pagpapahalaga sa buhay. Sa ospital nila dapat dinala ang biktima,” ayon sa Speaker.

vuukle comment

HAZING

MARTIN G. ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with