^

Bansa

Pagbaba sa 4 bangkay sa bumagsak na Cessna, pahirapan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pagbaba sa 4 bangkay sa bumagsak na Cessna, pahirapan
Camalig Mayor Carlos Baldo shared an update on February 24, 2023 that the responders retrieved the belongings of four victims of the Cessna 340A plane crash near Mayon Volcano's crater.
Facebook/Caloy Baldo

MANILA, Philippines — Dahil sa panganib ng lugar at sama ng panahon, nananatiling pahirapan ang pagbaba ng bangkay ng apat na lulan nang bumagsak na Cessna plane sa Bulkang Mayon.

Ito ang binigyang diin ni Camalig Mayor Irwin Baldo Jr. na siya ring incident commander sa isinasagawang retrieval operation.

Ayon kay Baldo, kailangang magdoble ­ingat ang rescue team dahil sa matarik na daan paakyat sa bulkan na sinasabayan pa ng malakas na hangin at mga pag-ulan.

Kinumpirma nito na nakita na ang bangkay ng apat na sakay ng eroplano subalit hindi pa mabatid kung kailan ito maibababa.

“Kapag ginagalaw nila nang kaunti yung bangkay nagdadausdos pababa ‘yung mga rocks doon kaya delikado po sa mga rescuers po natin,” ani Baldo.

Sa ngayon, sinabi ni Baldo na ang mga miyembro ng retrieval team ay magtatayo lamang ng mga anchor vault at mga lubid upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kabilang sa sakay ng Cessna sina Captain Rufino James Crisostomo Jr., Joel Martin at mga foreign nationals na sina Simon Chipperfield at Karthi Santhanam.

Agad namang magpapalabas ng report ang investigation team oras na matapos ang isinasagawang imbestigasyon lalo na sa kung ano talaga ang dahilan ng pagbagsak ng Cessna 340 plane.

CESSNA PLANE

TRAGEDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with