^

Bansa

Divorce bill umusad na sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umusad na sa Kamara nitong Huwebes ang panukalang batas na nagsusulong sa lega­lisasyon ng diborsiyo o pagpapawalang bisa ng kasal sa Pilipinas.

Ito’y matapos na pagtibayin ‘in principle’ ng House Committee on Population and Family Relations sa pamumuno ni 3rd District Isabela Rep. Ian Paul Dy ang 8 panukalang batas patungkol sa diborsyo sa pagdinig ng komite.

Si 1st District Albay Rep. Edcel Lagman, may akda ng House Bill (HB) 78 ay nagmosyon na maaprubahan ito kung saan ay isusumite ang ‘substitute bill’ na bubuo mula sa pinag-isang mga panukalang batas na isasagawa ng Technical Working Group (TWG).

“The Philippine will soon join the rest of the world in the legalization of absolute divorce after the House Committee on Population and Family Relations approved in principle several bills on divorce and dissolution of marriage,” ani Lagman.

Noong 17th Congress ay pinagtibay sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala sa diborsiyo pero nabigo itong makalusot sa Senado.

Sa Pilipinas ay higit na nakararami ang mga Katoliko na tutol sa diborsiyo sa pagsasabing ang “Pinagsama ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao”.

Sa panig naman ni 1st District Davao del Norte Pantaleon Alvarez, sinabi nito na hindi na dapat magsama pa sa iisang bubong ang mga mag-asawang hindi na magkasundo matapos na naglaho na ang pagmamahal sa isa’t-isa.

“It boild down to compatability,” ani Alvarez sa kaniyang HB 4998 o ang Instituting Absolute Divorce and Dissolution of Marriage in the Philippines “.

Ayon pa kay Alvarez, maraming mga kasal ang isang malaking pagkakamali na dapat nang matuldukan.

“ The husbands and the wife should be allowed to correct that error. Many get married wrong,” ani Alvarez.

“Allowing for the dissolution of marriage through divorce  and including grounds that to not require the husband and the wife to further squabble and wash their dirty laundry in public, so to speak, is the best way forward”, giit pa ng solon.

vuukle comment

HOUSE BILL

KAMARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with