^

Bansa

Graft vs pumanaw na si Roberto Ongpin, ibinasura ng SC

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court ang higit tatlong dekadang kasong graft laban sa namapayang tycoon na si Roberto Ongpin at ilang opisyal ng gobyerno kaugnay ng pagbibigay ng US$30-­milyong loan noong 1980.

Sa 16 pahinang desisyon noong Enero 17, ibinasura ng SC First Division ang petition for certiorari na kumukuwestiyon sa 2012 resolution at utos ng Office of the Ombudsman na nagdidismis sa asunto.

Bukod kay Ongpin na dating Tourism minister, kasama sa kinasuhan sina dating Tourism mi­nister Jose Aspiras, dating Philippine National Bank (PNB) Senior Vice-­President Gerardo Agulto Jr., at dating PNB ­Executive Vice-President Domingo Ingco.

Kasama ring dinismis ang kaso laban sa Marbella Club Manila Inc. (Marbella) Executive Vice President Bernardo Vergara, Marbella Vice-­President Federico Salcedo at Marbella Vice-President Merle Deen.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo na inihain ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) noong Abril 1979, anim na buwan makaraang aprubahan ng PNB ang hiling ng Marbella na isyuhan sila ng NIDC Letter of Guaranty para sa foreign credit na nagkakahalaga ng $20 milyon.

Dinismis ng Ombudsman ang reklamo noong Agosto 2012 dahil sa “lack of probable cause”.  Iniakyat ng PCGG ang petisyon sa Supreme Court laban sa Ombudsman dahil sa umano’y “grave abuse of discretion”.

Ngunit hindi sila kinatigan ng SC at sinabi na umakto lamang ang Ombudsman base sa kanilang mandato.

Matatandaan na nasawi si Ongpin, chairman ng Alphaland Corporation, nitong Pebrero 4 sa edad na 86.

CORRUPTION

ROBERTO ONGPIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with