^

Bansa

SWS: 73% Pinoys, umaasang masaya ang Pasko  

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SWS: 73% Pinoys, umaasang masaya ang Pasko   
Base sa nationwide Social Weather Survey na isinagawa nitong December 10-14,  mas mataas ito ng 8 points kumpara sa 65% na naitala noong 2021 at mas mababa noong 2020 na 50 percent.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Umaasa ang 73 percent ng mga Pinoy na magiging masaya ang pagdiriwang ng kanilang Pasko ngayong 2022.

Base sa nationwide Social Weather Survey na isinagawa nitong December 10-14,  mas mataas ito ng 8 points kumpara sa 65% na naitala noong 2021 at mas mababa noong 2020 na 50 percent.

Pero mas mababa ito kumpara bago mag-pandemic na 79% ang nagsabi na umaasa silang magiging masaya ang Pasko noong 2019.

Ngayong 2022, may 7% naman ang nagsabing malungkot ang Pasko habang 19% ang hindi alam kung masaya o hindi ang kanilang Pasko.

Sa parehong survey, 61% ang dadalo sa in-person gatherings kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan habang 38% ay hindi.

Sa mga Pinoy na lalabas ngayong kapaskuhan ay nakapagtala ng 46% at 51% ang mananatili lamang sa bahay.

Mas maraming Pinoy ngayon ang nararamdaman ang mas masayang Pasko kumpara noong nagsisimula ang CO­VID-19 pandemic noong 2020 nang makapagtala ng 49% ng mga respon­ders ay masaya, 28% na nagsabing pareho lamang tulad ng dati at 21% ang mas masaya noong pre-pandemic times.

Ang percentage na umaasang masaya nga­yong Pasko ay tumaas sa lahat ng panig ng bansa, Visayas, 78% mula 68% noong 2021; Mindanao, 75% mula sa 60%; Ba­lance Luzon, 75% mula 67% at Metro Manila, 71% mula 61%.

Ginawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult Filipino mula sa National Capital Region, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

SOCIAL WEATHER SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with