Bong Go sa LGUs, govt agency: Tulong sa mga binagyo tiyaking makararating
MANILA, Philippines — Nasaksihan ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima ng Severe Tropical Storm Paeng sa Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte, hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga ahensya ng gobyerno at local government units na tiyaking makararating ang mga tulong na may kaugnayan sa bagyo sa kanilang mga nasasakupan na higit na nangangailangan.
“Alam n’yo, kung ano ‘yung available na food packs… o ano pa mang mga delata d’yan, kesa naman masira, ipamigay na sa tao,” sabi ni Go.
“Importante po ngayon walang magutom na Pilipino. Sa totoo lang, pera naman ng taumbayan yan,” idinagdag ng senador.
Binigyang-diin naman ni Go na apurahin ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga taong higit na nangangailangan sa panahon ng kalamidad, at hinimok niya ang mga ahensya ng gobyerno na huwag ipagpaliban ang kanilang paghahatid.
Hinimok naman ni Go ang publiko na panatilihin ang kooperasyon at ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan upang matiyak na walang Pilipinong maiiwan tungo sa pagbangon.
Nangako siya na hangga’t kaya niya at hangga’t may panahon, bibisitahin niya ang mga lugar kung saan kailangan ang kanyang tulong upang suportahan at bigyan ng pag-asa ang kanyang mga kapwa Pilipino sa harap ng mga kahirapan.
- Latest