^

Bansa

Red-tagged party-lists kasama sa 'top performers' ng Kamara

James Relativo - Philstar.com
Red-tagged party-lists kasama sa 'top performers' ng Kamara
In this Sept. 26, 2022 photo, the Department of Tourism attends the budget deliberations at the House of Representatives.
Released/Department of Tourism

MANILA, Philippines — Kasama ang buong kasapian ng militanteng Makabayan bloc sa mga mambabatas na may pinakamaraming naihaing panukalang batas at resolusyon sa Kamara sa unang 100 araw ng 19th Congress — ito kahit humaharap sila sa red-tagging at mga atake ng administrasyon.

Ito ang sabi ng Kabataan party-list, Lunes, kaugnay ng legislative performance nila ng kaalyadong Gabriela Women's Party at ACT Teachers party-list mula ika-30 ng Hunyo hanggang Oktubre ngayong taon.

Narito ang kabuuan ng listahan ng 10 sa pinaka-produktibo sa Kamara sa ngayon, na siyang nakumpirma rin ng Philstar.com sa website ng Kamara:

"Kabataan ranks as second most productive party-list and sixth most productive legislator in the House," wika ng grupo sa isang pahayag kanina.

"Despite being a staunch opposition leader, clearly worsening attacks did not faze Kabataan Party-list from maintaining its historically stellar public service record and delivering its mandate to forward the 9-point youth agenda."

Sa loob ng tatlong buwan o nasa 48 araw ng sesyon, ipinagmamalaki ng grupong maaabot na nila ang 1/3 ng kabuuang measures na nagawa nila sa nakalipas na taon kahit na hindi pa natatapos ang unang regular session ng unang termino ni Manuel.

Kung susumahin, nasa apat na measures sila kada araw sa ngayon, dahilan para ituring ito ng Kabataan bilang pinakamahusay na legislative record nila sa kasaysayan.

"For the remainder of 2022, we will focus on achieving substantial reforms in the education sector, particularly in passing the Safe School Reopening and Student Aid Bills while actively resisting anti-youth policies such as the Mandatory [Reserve Officers' Training Corps], among others," dagdag pa nila.

"Despite non-stop red-tagging, fake news, and character assassinations, Kabataan Rep. Manuel and the entire Partylist organization is eager to sustain our work in forwarding a new politics of hope and struggle."

Party-list na walang panukala, resolusyon? Meron niyan

Sa kabila ng achievements na ito ng iba, merong ding party-list lawmaker ngayong 19th Congress na wala pang naihahain ni isang panukalang batas o resolusyon sa katauhan ni PROBINSYANO AKO party-list Rep. Rudys Caesar Fariñas.

Iisa lang naman ang house bill ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co sa ngayon habang apat pa lang ito para kay CWS Rep. Edwin Gardiola at lima lang ang kay ALONA Rep. Anna Villaraza-Suarez.

Tig-anim lang din ang mga bills at resolusyong nagawa nina Drixie Cardema (DUTERTE YOUTH), Angelica Co (BHW), Samuel Verzosa Jr. (TUTOK TO WIN) at Jojo Ang (USWAG ILONGGO).

Kilalang karibal ng Duterte Youth ang Kabataan sa loob ng party-list formations, ang una ay laging iniuugnay ang ikalawa sa rebelyon ng Communist Party of the Philippines at New People's Army (CPP-NPA) kahit na ligal na grupo ang KPL.

vuukle comment

ACT TEACHERS

GABRIELA WOMEN'S PARTY

HOUSE BILL

HOUSE OF THE REPRESENTATIVES

HOUSE RESOLUTION

KABATAAN

MAKABAYAN BLOC

PARTY-LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with