^

Bansa

Mga lalaki puwede rin magkaroon ng breast cancer

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Mga lalaki puwede rin magkaroon ng breast cancer
Ang pink ribbon ay simbolo para isulong ang kamalayan tungkol sa breast cancer.
Image by Marijana from Pixabay

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Ang sakit na breast cancer ay madalas na sa babae tumatama ngunit posibleng magkaroon rin nito ang mga lalaki.

Ito ang ibinahagi ni Dr. Lino Marcus Viola III ng Provincial Health Office, nang dumalo sa Kapihan sa PIA Romblon nitong ika-12 ng Oktubre.

Ayon sa doctor, bagamat rare ito, posible parin lalo na kung isa sa mga miyembro ng inyong pamilya ay may cancer rin.

Ang sintomas ng breast cancer sa lalaki ay walang pagkakaiba sa babae gaya ng nipple retraction at bukol.

Kung sakaling merong sintomas ng breast cancer lalo na kung may makapang bukol sa dibdib, sinabi ni Dr. Viola na agad pumunta sa pinakamalapit na ospital o Health Center para magpatingin.

Batay sa impormasyon mula sa Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, tanging 1 sa bawat 100 na lalaki ang posibleng tamaan ng breast cancer o katumbas ng 1%.

 

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com.

BREAST CANCER

HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with