^

Bansa

P15-K subsidyo hiling sa magsasaka, mangingisdang nasalanta ni 'Karding'

Philstar.com
P15-K subsidyo hiling sa magsasaka, mangingisdang nasalanta ni 'Karding'
Ilan lamang ito sa mga aerial footage na nakunan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang nag-i-inspeksyon sa himpapawid ng Bulacan, Nueva Ecija, at Tarlac kaugnay ng pananalasa ng Typhoon Karding, ika-26 ng Setyembre, 2022
Mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines — Hinahamon ng isang grupo ng kabataan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng P15,000 unconditional production subsidy para sa mga magsasaka't mangingisdang naapektuhan ng papalabas na Typhoon Karding.

Lunes lang nang sabihin ng Department of Agriculture na umabot na sa P141.38-milyong halaga ng pinsala na ang naidudulot nito sa sektor ng agrikultura mula sa tinatayang 16,229 ektaryang lupain.

"Mahigpit kaming nananawagan sa gobyerno na maglaan ng pondo para sa direktang subsidyo para sa lahat ng mga magsasaka at mangingisda, lalo na 'yung mga lubhang apektado ng bagyong Karding," ani Zoe Caballero, tagapagsalita ng National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth (NNARA-Youth) kanina.

"Instead of the aerial inspections that might even be a waste of public funds and the usual photo ops that are useless and counterproductive, the Marcos administration should render immediate assistance to those affected by the typhoon."

Sinasabing nasa 740 magsasaka na ang apektado ng naturang bagyo, na siyang umaaray ngayon sa pagkakapinsala ng nasa 5,886 metric tons na pananim.

Matatandaang sumagasa ang naturang bagyo sa Luzon, dahilan para mamatay ang lima sa Bulacan at ilikas ang nasa halos 75,000 katao. Umabot sa Signal no. 5 ang naturang sama ng panahon nitong Linggo, at sinasabing pinakamalakas na bagyong sa bansa ngayong 2022.

"What our farmers need is immediate cash assistance. Luging-lugi na nga ang mga magsasaka, walang patid pa ang pagtaas ng presyo ng farm inputs at iba pang bilihin, ngayon ay hinagupit pa ng bagyo," dagdag pa ni Caballero.

"The first step that Marcos should take is to appropriate funds for a P15k production subsidy for our food producers."

Ilan sa mga maaari raw pagkunan ng pondo para sa naturang subsidyo ay ang paglilipat ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict patungo sa agrikultura pati na ang confidential funds ni Bise Presidente Sara Duterte. Aniya, nagagamit lang daw kasi ito sa red-tagging kaysa sa kapakinabangan ng publiko.

Nangyayari ito ilang araw pa lang ang nakalilipas nang iulat ng Anakpawis party-list na umabot na sa P206.6 bilyon ang ikinalugi ng mga magsasaka sa Rice Liberalization Law Republic Act 11203 nitong 2021. — James Relativo

AGRICULTURE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FARMERS

FISHERFOLK

SUBSIDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with