Nasa 74,542 isinailalim sa preventive evacuation dahil kay 'Karding' — DILG
MANILA, Philippines — Halos 20,000 pamilya ang paunang inilikas bilang paghahanda sa pananalasa ng Typhoon Karding, na siyang nakikita ng PAGASA na palabas na ng Philippine area of responsibility ngayong gabi.
Ito ang ibinalita ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. sa briefing na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasama si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Lunes.
Aabot sa 74,542 katao ang sumailalim sa pre-emptive evacuation sa iba't ibang bahagi ng Luzon, bagay na katumbas ng 19,368 pamilya. Narito ang breakdown ng mga naturang bilang batay sa rehiyon:
- Cordillera Administrative Region (758)
- Ilocos Region (821)
- Cagayan Valley (390)
- Central Luzon (25,358)
- CALABARZON (13,892)
- MIMAROPA (272)
- National Capital Region (33,043)
- Bicol Region (8)
Ipinagmalaki naman ni Abalos na wala gaanong pumalag matapos magsagawa ng mandatory evacuation sa ilang lugar na siyang nanganganib noon sa bagyo.
"Kung meron sir [Marcos], konting-konti. Ito po ang naging susi talaga sir ang evacuation," wika pa ng DILG official.
"Pinaghandaan po pati mga tubig, mga baterya, kuryente, may mga tents na kaagad na inano. At napaganda naman ng preparasyon dahil nasanay na po eh."
May patay o wala?
Kanina lang nang sabihin ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa parehong meeting na "wala" pang naitatalang patay kaugnay ng bagyo, bagay na sinang-ayunan naman ni Abalos dahil aniya sa paghahanda.
"Currently Mr. President [Marcos], we do not have any reported injuries or casualties across the different areas affected," ani Vergeire kanina.
"We have already prepositioned P3.7 million across the different areas."
Sa kabila nito, nakaobserba na raw sila ng ilang pasilidad na napinsala lalo na sa Nueva Ecija kung saan isang rural health unit ang damaged.
Wala pa naman daw naiuulat na pangangailangang maglkas ng mga pasyente. Binabantayan din ang sitwasyon sa kuryente lalo na't kailangan ito para sa COVID-19 vaccine storage.
Sa kabila ng lahat ng ito, iniulat ng pulisiya sa Bulacan na limang rescuers ang namatay noong sila'y nasa munisipalidad ng San Miguel, Bulacan kung saan bumabaha.
Kinumirma nina Lt. Col. Romualdo Andres, hepe ng pulis sa San Miguel, at ni San Miguel disaster officer Renan Herrera ang pagkamatay. Pare-pareho raw aniya nalunod ang mga nabanggit.
'Sinwerte tayo'
Sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat si Marcos at ganito lamang daw ang inabot na pinsala sa bansa lalo na't umabot sa Signal no. 5 sa ilang lugar at super typhoon category ang bagyo kahapon lalo na sa Quezon atbp. lugar.
"I think we may have gotten lucky this time. But I think it's clear... [what's] very, very important is preparation," sabi ng presidente sa isang talumpati.
"Get people out of areas of areas of danger. Put all of your assets... para mag-rescue, mag-lift, as much as possible... It's really the preparation."
"The LGUs did a pretty good job."
Kanina lang nang magsagawa ng aerial inspect na tinamaan ng bagyo si Marcos Jr., gaya na lang sa mga nasalantang mga lugar gaya ng Bulacan, Nueva Ecija at Tarlac.
Sa kabila nito, kayang-kaya pa naman daw ang antas ng mga napinsala sa ngayon.
At the moment: Aerial inspection of areas affected by super typhoon #KardingPH pic.twitter.com/tEp890Qewy
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) September 26, 2022
Tayo ay kasalukuyang nagsasagawa ng aerial inspection sa Bulacan, Nueva Ecija, at Tarlac #KardingPH pic.twitter.com/D2XWES3b3z
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) September 26, 2022
"After our aerial inspection today, we found some areas that are still inundated with water. Nueva Ecija and Aurora are without power. We are sending gensets now," dagdag pa niya.
"But generally, the damage to public and private infrastructure is manageable. Government services are almost at full function."
- Latest