^

Bansa

NTC ipina-block mga maanomalyang websites sa text scams

James Relativo - Philstar.com
NTC ipina-block mga maanomalyang websites sa text scams
Full names are now appearing on text spams raising concern among Filipinos. According to a National Privacy Commission official, names may have been manually or automatically scraped from certain apps.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Ipinade-deactivate ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ilang maanomalyang websites na inilalagay ng ilang kawatan sa mga text messages sa gitna ng naglipanang scams kamakailan na nakapambibiktima ng ilan.

Ito ang sabi komisyon sa isang memorandum na pinetsahang ika-12 ng Setyembre na siyang pinirmahan ni NTC commissioner Gamaliel Cordoba.

"Telcos are hereby ordered to block or deactivate domains or Uniform Resource Locators (URLs), TinyURLs, Smart Links and/or QR Codes emanating from malicious sites based on existing database culled from government agencies such as the [NTC], National Privacy Commission, Department of Trade and Industry, law enforcement agencies, subscriber reports and those generated from machine learning or artificial intelligence," wika ng memo.

Ito ang ginawang hakbang ng komisyon matapos punahin ni Sen. Grace Poe ang kabiguan ng NTC na masawata ang mga naturang scam, lalo na't 800 messages lang daw ang kanilang na-block ngayong 2022. Natapos na rin daw ng komisyon ang inisyal nitong imbestigasyon tungkol dito.

Binabanggit sa mga naturang mensahe na "nanalo" ka ng jackpot prize o kung anu-anong papremyo, habang hinihiling sa'yong i-click ang isang website para "makuha" ito. Sa mga nasabing text scams, nakalagay mismo ang personal na impormasyon ng mga nagmamay-ari ng cellphone numbers dahilan para isipin ng mga taong lehitimo ito. 

Tinatawag ang practice na ito bilang "smishing," na nagagamit para makakuha ng personal na impormasyon sa mga biktima gaya ng passwords o credit card numbers. 

Una nang tinukoy ni Leandro Angelo Aguirre, deputy privacy commissioner ng NTC, na maaaring nakuha ang mga pangalan ng biktima automatically o manually ng scammers sa ilang sikat na payment apps, mobile wallet o messaging applications.

Tinukoy naman ni Angel Redoble, bise presidente at chief information security officer ng PLDT at SMART, ang GCash at messaging app na Viber bilang ilan sa mga posibleng pinagkukunan ng mga nasabing impormasyon.

"You [Dito Telecommunity, Globe Telecoms, SMART Communications] are also directed to submit a written report of compliance to the Office of the Commissioner on or before 16 September 2022," wika pa ng memorandum ni Cordoba.

"For strict and immediate compliance."

Ngayong buwan lang nang sabihin ng privacy body na maliit ang tiyansang nanggaling ang mga pangalan na nagagamit sa isang data breach.

Umabot naman na sa 784 milyong spam at scam texts ang na-block ng Globe mula Enero hanggang Hulyo.

Nagagamit naman ngayon ang naglipanang scam texts bilang dahilan para buhayin ang una nang na-veto na SIM card registration bill.

Nangako naman ang tagapagsalita ng Philippine National Police na si Police Col. Jeanb Fajardo hindi magtatagal ay matatalupan na nila ang sindikato sa likod ng krimen— may mga ulat mula sa BusinessWorld

DITO

GLOBE

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

PRIVACY

SCAM

SMART

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with