Bagyong Inday, lumakas
MANILA, Philippines — Lumakas ang bagyong si Inday at isa na ngayong severe tropical storm habang nasa hilagang kanluran ng Philippine Sea.
Kahapon, si Inday ay huling namataan ng PAGASA sa layong 800 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan at patuloy na kumikilos pahilagang kanluran sa bilis na 20 km bawat oras taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 95 km bawat oras at pagbugso na aabot sa 115 km bawat oras.
Hindi naman magdadala ng malakas na pag-uulan sa bansa ang bagyong Inday.
Si Inday ay kikilos sa pangkalahatang direksyon ng hilagang kanluran ng Philippine Sea hanggang Linggo bago magtungo pakanluran sa karagatan sa silangan ng Taiwan.
Inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility si Inday sa Lunes.
- Latest