Magnitude 5.1 na lindol tumama malapit sa Surigao del Norte — Phivolcs
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol sa bandang Mindanao ngayong hapon, ito ilang linggo pa lang matapos ang malagim na earthquake sa Abra na pumatay sa ilan at nakasugat sa pagkarami-rami.
Bandang 5:35 p.m., Miyerkules, nang mangyari ang lindol sa epicenter na 2 kilometro timogkanluran ng Socorro, Surigao del Norte.
#EarthquakePH #EarthquakeSurigaoDelNorte#iFelt_SurigaoDelNorteEarthquake
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) August 17, 2022
Earthquake Information No.1
Date and Time: 17 August 2022 - 05:35 PM
Magnitude = 5.1
Depth = 129 km
Location = 09.60°N, 125.95°E - 002 km S 41° W of Socorro (Surigao Del Norte)https://t.co/LPGY3u2zaB pic.twitter.com/u2Rs52eGhN
Sinasabing "tectonic" ang pinanggalingan ng earthquake. Wala pa naman gaanong detalye pagdating sa intensities ng pagyanig.
Wala pa namang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa naturang pagyugyog ng lupa at wala pa ring banta ng tsunami.
Lunes lang nang tumama ang isa pang malakas-lakas na magnitude 5.5 na lindol 5 kilometro timogkanluran ng Magsaysay, Davao del Sur. Inaasahan ang pinsala at aftershocks mula rito. — James Relativo
- Latest