^

Bansa

Mga grupo binanatan 'KWF ban' vs red-tagged books; anti-terror law ipinababasura

James Relativo - Philstar.com
Mga grupo binanatan 'KWF ban' vs red-tagged books; anti-terror law ipinababasura
Gonzalez Hall, or the UP Main Library in the Diliman campus. Photo by Misael Bacani, UP MPRO.
University of the Philippines

MANILA, Philippines — Kinastigo ng grupo ng mga kabataan at akademiko ang "state-sanctioned" red-tagging sa mga manunulat at pagpapatanggal sa ilang libro sa paaralan — ito habang idinidiin ang pangangailangang depensahan ang academic freedom.

Martes kasi nang iutos ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagpapatigil sa limang libro sa mga eskwelahan at libraries na diumano'y "subersibo" at lumalabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Kabataan Rep. Raoul Manuel, hindi dapat magpadaig sa takot ang publiko sa tangka ng gobyernong tatakang "teroristang gawain" ang pagbabasa tungkol sa Martial Law at kasaysayan ng pakikibaka ng Pilipinas.

"We must exercise and defend academic freedom in schools and libraries to promote Filipino history, language and literature," banggit ni Manuel sa isang pahayag, Biyernes.

"Huwag katakutan ang mga libro! Itigil ang pagtanggal sa mga ito! Dapat pa nga, ang mga libro tungkol sa Filipino history at mga aralin tungkol dito ay ibinabalik sa curriculum ng high school."

Nakikita ng Kabataan party-list ang nabanggit bilang pagpapatuloy daw sa legasiya ng "book purging" ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Commission on Higher Education, Department of Education at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Dagdag pa ng solon, nagagamit ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-affirm ng Korte Suprema sa constitutionality ng Anti-Terror Law para makapaglunsad ng historical distortion kahit walang direktang utos ng Palasyo.

"Anti-Terror Law? More like Anti-Truth Law. Dagdag lamang ito sa mga dahilan upang i-repeal na ng Kongreso ang Terror Law," sambit pa ni Manuel.

"Malinaw na papalalain pa ng Terror Law ang disinformation at krisis sa edukasyon para lang makinabang ang pamilya ng diktador na si Marcos Sr."

Una nang naghain ang Makabayan bloc ng panukala para i-repeal ang Anti-Terror Law para tuluyang maibasura ang kontrobersyal na batas, bagay na matagal nang nababatikos sa diumano'y pagtapak sa mga demokratikong karapatan ng karaniwang tao.

Hinikayat din nila ang kabataang Pilipinong tiyakin ang bukas sa pamamagitan ng pagdepensa sa katotohanan ng kahapon sa pamamagitan ng paglaban sa historical revisionism sa mga eskwelahan, komunidad at mga kalsada.

'Tumindig vs red-tagging'

Lumagda naman ang nasa 30 language, culture at educational departments at organizations ng unity statement laban sa SMNI hosts at ilang KWF commissioners sa utos na mag-pull out ng 17 libro na binansagang "subersibo" at "anti-gobyerno."

Ika-9 ng Agosto kasi nang i-tag ng tatlong SMNI hosts at ni dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy at isang uniformed personnel ang mga libro nina Aguila, Rodriguez, Pagusara, Jacob at Cayanes bilang subersibo dahil lang sa nag-cite sila ng references na sinulat ng Communist Party of the Philippines-New People's Army.

"[The] said hosts also redtagged prominent art critic Alice Guillermo and National Artist Bienvenido Lumbera (who died last year) in the same broadcast," ayon sa unity statement na inilabas ni Prof. David Michael San Juan, convener ng Tanggol Wika.

"The unity statement signed by various organizations defended authors from redtagging, asserting that 'many books — be it Filipino or Engling — will certainly cite or quote materials from various references, including those from groups considered by the government as subversive or revolutionary."

"Such citation should not be treated as agreement or sympathy with the cited material, but rather a part of the typical academic and scholarly process of analyzing various sources."

KWF chair hindi lumagda sa book ban

Kapansin-pansin namang hindi nilagdaan ni Arthur Casanova, chairperson ng KWF, ang memorandum na nagba-ban sa mga naturang libro — at tinawag na "mapanganib" ang pinaggagagawa ng mga kasama niya sa komisyon.

Dagdag niya, ang mga librong tinatatakang subersibo ay pumasa naman noon sa review process ng KWF. Hindi rin daw totoo ang pinapayagan niya ang pagpapapasok ng mga miyembro ng CPP-NPA sa KWF.

"I did not railroad nor force any publication. Furthermore, the allegations that these books are subversive is a dangerous accusation which may already be stepping on the boundaries of freedom of expression and academic freedom," sambit ni Casanova.

"The KWF should be at the forefront of the efforts to enrich our language. Contrary to the misguided allegations, the KWF is not limited to publishing dictionaries and technical linguistic materials. Rather, we are tasked to develop and enrich the Filipino language."

 

 

Dagdag pa niya, hindi totoo ang mga ipinaparatang sa kanya ng mga kinauukulan at ginagawa lang daw ito para "sirain" ang kanyang pagkatao at idiskaril ang mga pagsusumikap na palakasin at linisin ang KWF.

Nanawagan din siya sa NTF-ELCAC at Anti-Terrorism Council na tignan nang husto ang mga paratang na nagawa laban sa kanya nang sila mismo ang makakitang malisyoso at "baseless" ang mga ito.

KABATAAN PARTY-LIST

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

LIBRARIES

NTF-ELCAC

RED-TAGGING

SMNI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with