^

Bansa

Mag-e-expire na COVID-19 vaccines mula pribadong sektor P1.3-B halaga

Philstar.com
Mag-e-expire na COVID-19 vaccines mula pribadong sektor P1.3-B halaga
A medical worker prepares a BioNtech-Pfizer Covid-19 coronavirus vaccine inside a mall in Manila City, on November 29, 2021, as the Southeast Asian nation launched a three-day vaccination drive targeting nine million people as young as 12 in an effort to accelerate the roll-out of jabs, amidst the threat of heavily mutated coronavirus variant Omicron.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Aabot ng P1.3 billion ang halaga ng mga mag-e-expire na bakuna sa pagtatapos ng buwan, ayon kay Go Negosyo founder Joey Concepcion nitong Huwebes, July 21.

Kamakailan lang, sinabi ni Concepcion na 1.6 milyong bakuna mula sa pribadong sektor ang mapapanis sa kalagitnaan ng Agosto.

Ang bawat bakunang nabili mula sa AstraZeneca ay tinatayang nagkakahalagang $5/dose habang aabot na sa $26.83/dose ang mga Moderna shots.

Sa isang pahayag, inilinaw naman ni Concepcion na hindi pa kasama sa 1.5 milyong mag-eexpire na bakuna ang kalahati na binigay nila sa gobyerno.

“We donated AstraZeneca vaccines to the government,” ani Concepcion.

Sa gitna ng issue, hinimok ng Go Negosyo founder ang Health Technology Assessment Council na payagan na ang pagturok ng ikalawang booster.

“We have to learn from this. I think what really contributed was the lack of clear rules on the vaccines: who is allowed to take the vaccines, and the ability of some bodies to move swiftly with science and the reality on the ground,” sinabi ni Concepcion.

Pinayuhan naman ng Department of Health ang pribadong sektor na ipamigay na lang ang mga malapit na masayang na bakuna.

“What we can advise because we already have this policy, and it has been practiced already by private companies whereby government has offered that it will help them have these vaccines donated,” sinabi DOH officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire said over “The Chiefs” sa One News nitong Miyerkules ng gabi, July 20.

Aabot na sa 71.48 milyong katao na ang nakakakuha ng kumpleto primary series ng COVID-19 vaccine simula nang umarangkada ang immunization program ng bansa noong Marso 2021.

Sa kabila nito, tanging 15.85 milyon pa lang ang nakakukuha ng booster doses sa ngayon. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz

COVID-19 VACCINES

JOEY CONCEPCION

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with