^

Bansa

Solons nais itaas 'drinking age' sa 21-anyos, bawalan PWDs bentahan ng alak

James Relativo - Philstar.com
Solons nais itaas 'drinking age' sa 21-anyos, bawalan PWDs bentahan ng alak
A man buys liquor with hundred peso bills at a convenience store in Manila on May 8, 2013. The Philippines banned people from carrying large amounts of cash and buying alcohol in controversial efforts to curb rampant vote buying and violence ahead of elections next week. The shock money ban means banks are not allowed to hand over more than 100,000 pesos, 2,400 USD, to customers until after Monday's mid-term elections, the Commission on Elections announced.
AFP/Jay Directo, File

MANILA, Philippines — Gustong itaas nina Benguet Rep. Eric Yap at Davao City Rep. Paolo Duterte ang legal drinking age mula 18 patungong 21-anyos, ito habang itinutulak ang pagbabawal na bentahan o bigyan ng alak ang mga may kapansanan.

Lunes nang ihain nina Yap at Duterte ang House Bill 1753, na may layuning harangan ang mga "unqualified individuals" bumili ng alak, sa layuning pagandahin ang kalusugan ng publiko at maiwasan ang negatibong epekto ng maagang pag-inom ng alcohol.

"In its Global Strategy to Reduce the Harmful Use of Alcohol, the World Health Organization (WHO) states that alcohol use is the third leading risk factor for poor health globally as it causes an estimated 2.5 million deaths every year, of which a significant proportion occur in the young," ayon sa kanilang explanatory note.

"WHO further highlights that apart from the physical well-being, a wide variety of alcohol-related problems can have devastating impacts on individuals and their families and can seriously affect community life."

Maraming risk factors din daw ang idinidikit ng mga eksperto sa paggamit ng alak gaya na lang ng delay sa puberty at bone growth, psychiatric disorder, compromised brain activity atbp.

Ginagawa rin daw ito nina Yap at Duterte dahil ginagarantiyahan ng 1987 Constitution ang proteksyon at promotion ng physical, moral, sporotial, intellectual at social well-being ng kabataan.

"Hence, this bill seeks to impose a minimum legal drinking age in the country, in pursuit to mitigate and regulate the availability of alcohol to Unqualified Individuals," sabi pa nila.

"This proposed measure also provides for penal sanctions against any person, particularly private entities, that would act in contrary of this legislation."

Pati may kapansanan?

Hindi lang below 21 years of age ang gustong bawalan ng HB 1753: pati na ang mga persons with disabilities (PWDs)

"'Unqualified Individuals' refers to persons under age of twenty-one (21) years of age, or those over twenty-own (21) years old but are unable to fully take care of themselves or protect themselves from abuse, neglect, cruelty, exploitation or discrimination because of a physical or mental disability or condition," ayon sa panukala.

Kung nagkataon, magiging iligal na ang:

  • pagbili ng alak ng mga unqualified individuals
  • pagbili o pagkuha ng alcoholic beverages para sa mga unqualified individuals
  • pamepeke ng edad para makabili ng alak
  • pagpayag ng establisyamento sa pag-inom o pagmamay-ari ng alak ng isang taong wala pang 21-anyos, kahit na hindi roon binili ang inumin
  • pagbebenta o pagbibigay ng alak ng establishments sa mga unqualified individuals

Mga parusa, ano?

Sa unang paglabag ng isang unqualified individual sa panukala, kakailanganin niyang magpa-counsel sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) bago ibalik sa magulang o guardian.

Sa ikalawang paglabag, magiging dalawang magkasunod na regular sessions na ng BCPC ang kanilang dapat daluhan.

Sa ikatlo at mga susunod na offense, dadalhin na ang unqualified individual sa DSWD para sa kaukulang counselling at "proper disposition on the matter."

"Any person of legal age or any establishment who violates any of the provisions of this Act shall be punished by a fine of [P50,000] or imprisonment of nor more than three (3) months," wika pa ng panukala.

Para sa mga susunod na paglabag, ipapataw na ang parehong parusa maliban pa sa pagbawi ng lisensya na mag-operate ng negosyo na may kuneksyon sa pagbebenta ng alak. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

ALCOHOL

ERIC YAP

LIQUOR

PAOLO DUTERTE

UNDERAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with