^

Bansa

'Pure online classes' bawal na simula ika-2 ng Nobyembre, sabi ng DepEd

Philstar.com
'Pure online classes' bawal na simula ika-2 ng Nobyembre, sabi ng DepEd
This undated file photo shows a student attending online classes. Schooling in the Philippines amid the pandemic has been carried out remotely, which often came with difficulties.
The STAR / Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Naglabas na ng school calendar and activities para sa school year 2022-2023 ang Department of Education (DepEd) sa bisa ng Order No. 34 s. 2022 nito — bagay na naglilinaw sa pagdating sa distance at blended learning maliban pa sa pagsisimula ng klase.

Ayon sa DepEd sa utos na pinetsahang ika-11 ng Hulyo, magbubukas ang School Year 2022-2023 sa ika-22 ng Agosto at magtatapos ito sa ika-7 ng Hulyo 2023.

Kabilang din sa nasabing order ang pisikal na pagbabalik ng mga estudyante sa paaralan gaya ng nakagawiang limang araw kada linggo. Ito'y kahit na nasa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas, na kasalukuyang "low-risk" sabi ng Department of Health.

Bibigyan ng "sapat na oras" ang mga paaralan na mag-transition sa face-to-face classes hanggang October 31, 2022. Simula kasi November 2, 2022, lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ay dapat nakapag-adjust na raw sa in-person classes.

Pwede pa rin gumamit ang mga paaralan ng blended learning modalities sa pagsisimula ng pasukan ngunit kinakailangan ding magtransition sa full capacity in person class simula Nobyembre. 

“Starting November 2, 2022, all public and private schools shall have transitioned to 5 days in-person classes. After the said date, no school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning," ayon pa sa DepEd order 34 na isinapubliko, Martes.

Ang tanging pwedeng magsagawa ng "purely distance" at "purely blended" learning ang mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes na binabanggit sa DO 27, s. 2Ol9 na pinamagatang "Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program" at DO O1 s. 2022 o "Revised Policy Guidelines on Homeschooling program."

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinaplano ni Bise Presidente Sara Duterte, na tumatayo ring DepEd secretary, na simulan ang face-to-face schooling sa Setyembre at ipatupad na ang 100% harapang attendance ng mga bata sa mga paaralan pagsapit ng Nobyembre.

Matatandaang hiniling ng Teachers’ Dignity Coalition sa DepEd na iurong sa kalagitnaan ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre ang pagbubukas ng klase para sa susunod na school year. 

Ayon sa grupo, ito ay upang bigyan ng sapat na pahinga ang mga guro na naaayon lamang sa mga umiiral na polisiya.

Samantala magsisinula na ang preparasyon sa nalalapit na school year sa July 25 para sa enrollment, August 1-26 naman para sa Brigada Eskwela at August 15 naman para sa oplan balik eskwela.

Linggo lang nang sabihin ng The Passenger Forum, transport advocacy network, na hindi pa handa ang pampublikong transportasyon ng Metro Manila sa demands ng mga mananakay ngayong napipinto ang pagbabalik ng pisikal na mga klase.

Nangyayari ang lahat ng ito ngayong aprubado na ang COVID-19 booster shots para sa mga batang 12 hanggang 17 taong gulang— Philstar.com intern John Vincent Pagaduan at may mga ulat mula sa News5

DEPARTMENT OF EDUCATION

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with