^

Bansa

VP Sara Duterte nais ipatupad 100% full capacity classes sa Nobyembre

Philstar.com
VP Sara Duterte nais ipatupad 100% full capacity classes sa Nobyembre
Students wait in line before classes at Ricardo P. Cruz elementary school in Taguig City, suburban Manila on Dec. 6, 2021, after authorities loosened COVID-19 coronavirus restrictions to allow limited in-person classes in the capital city.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Nais ni Vice President Sara Duterte na magkaroon ng 100% in-person classes o full capacity ang mga klase sa Nobyembre ngayong taon sa buong bansa.

Sinabi iyan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang press briefing nitong Martes, Hulyo 5.

"Inday Sara has announced that we have a plan for full face-to-face by November of this year. September, we will start face-to-face schooling and that face-to-face will end up in early November as already 100 percent attendance ng mga bata."

Ayon pa kay Pangulong Marcos Jr. inanunsyo ni VP Duterte ang plano sa kanilang unang cabinet meeting sa Malacanang. 

Matatandaang sinabi sa isang pahayag noong June 21 ni VP at kasalukuyang Department of Education Secretary Duterte na nais niyang ipatupad ang full face-to-face classes sa Agosto.

Ang lahat ng ito ay nangyayari ngayong bahagyang tumataas uli ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Lunes lang nang sabihin ng Department of Health na tumaas ng 60% ang nahawaan ng nakamamatay na sakit sa nakalipas na linggo.

Sa huling taya ng Kagawan ng kalusugan, aabot na sa 3.71 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 simula nang pumasok ito sa bansa. Sa bilang na 'yan, patay na ang 60,610 katao simula noong 2020. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

BONGBONG MARCOS

NOVEL CORONAVIRUS

SARA DUTERTE

SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with