^

Bansa

DOH aprubado na Pfizer COVID-19 booster shots ng 12-17 taong gulang

Philstar.com
DOH aprubado na Pfizer COVID-19 booster shots ng 12-17 taong gulang
The general pediatric population (children ages 12 to 17 years old) receives the first dose of Pfizer vaccine at the Marikina Sports Center on Nov. 3, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Aprubado na ng Department of Health (DOH) ang mungkahi ng Health Technology Assessment Council sa pagbibigay ng unang COVID-19 booster shot ng Pfizer para sa mga batang edad 12-17.

"Yes, guidelines are being drafted already by DOH," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes, sa reporters pagdating sa desisyon ni Health Secretary Francisco Duque III.

Sa panayam sa radyo ni Vaccine Expert Panel (VEP) chief Dr. Nina Gloriani kanina, sinabing tanging Pfizer pa lang ang inaaprubahan ni Duque dahil sila pa lang ang nakapagbigay ng mga kinakailangang datos at unang nag-apply para sa emergency use authorization sa Food and Drug Administration.

Binigay ang pagsang-ayong ito para sa mga menor de edad lalo na't bumababa na ang immunity na bigay sa kanila ng primary vaccine series, maliban pa sa banta ng mga bagong variants at subvariants.

"Napirmahan na ni Secretary Duque ‘yung approval dito. Hinihintay na lang ‘yung guidelines which will come in very soon," ani Gloriani sa ulat ng GMA News.

"Meron na lang konting technicalities na inaayos tapos ilalabas na rin ‘yun. Pagkatapos noon ay puwede nang magbigay [ng boosters]."

"‘Yung 12 to 17 parang considered na adults, so hindi siya talagang maiiba. Although, medyo may nakita akong part ng hindi pa lumalabas na guidelines na 0.3 mL ang ibibigay. That’s Pfizer. Usually, I think that’s 0.5 [mL], so baka kalahati. Hindi pa ako masyadong sure pa doon."

Nangyayari ito ngayong nagpi-peak na uli ang COVID-19 cases sa Pilipinas habang tinatarget ng Department of Education ang pababalik ng full face-to-face classes sa Agosto.

Umaasa naman ang VEP na irerekomenda na rin ng HTAC ang paggulong ng second booster para sa general public.

Sa ngayon, tanging mga fronline healthcare workers, 60-anyos pataas at immunocompromised individuals pa lang ang binibigyan ng second booster shots. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with