^

Bansa

Paglikha ng DDR kailangan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lubhang kailangan na ng bansa ang pagtatayo ng Department of Disaster Resilience (DDR) na siyang mangangasiwa sa mga national emergencies sa panahon ng matitinding kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda,ang kasaluku­yang pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan ay nagtutulak na muling ibalik ang pansin ng bansa sa usaping paglikha ng DDR kung saan tiniyak nito na muling ihahain sa Kamara ang nasabing panukalang batas sa pagbubukas ng ika-19th Congress.

Si Salceda ang pangunahing may-akda sa House Bill (HB) 5989 na lilikha sa DDR. Naipasa na ito sa Kamara pero nakabimbin pa rin sa Senado.

Sinabi ng solon na libu-libong pamilya sa Sorsogon ang itinaboy sa mga ‘evacuation centers,’ ng Bulusan matapos itong sumabog bandang 10:30 ng umaga noong nakaraan Linggo kung saan umabot sa isang kilometro pataas ang ibinugang usok nito habang malawakang ulang abo sa ilang barangay ng mga bayan ng Juban at Irosin sa lalawigan.

Bukod sa mga pagsabog ng bulkan, malimit ding padapain ng malulupit na bagyo ang maraming pamayanan sa bansa na dumaranas ng pagdurusa sa kahirapang sa loob ng ilang mga linggo o buwan. Ito ay dahil sadyang hindi handa ang mga pamahalaang lokal na tugunan ang pahirap na dulot ng mga kalamidad.

Ipinaliwanag ni Salceda na bagaman nagbibigay ng suporta ang pamahalaang nasyonal sa mga sinasalanta ng kalamidad, ngunit walang komprehensibong istratehiya at mekanismong nag-uugnay sa mga lokal na pamahalaan para mabisang matugunan nang husto ang hamon ng mga kalamidad na tanging isang ahensiyang nasyonal lamang ang makapagbibigay.

DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with