DQ vs BBM ibabasura ng SC - Law dean
MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang legal luminary na si San Beda Graduate School of Law Dean, Fr. Ranhilio Aquino na ibabasura ng Korte Suprema ang petisyon ng disqualification kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“That case ay nadismiss na sa Comelec. Usually, ang attitude ng Supreme Court ay i-uphold nila ‘yung findings ng administrative body like Comelec that has competence over the subject matter,” paliwanag ni Aquino.
Binigyang diin ni Aquino na sa kasaysayan ay nirerespeto ng SC ang kagustuhan ng taumbayan na pinagbabatayan sa kaso laban sa mga halal na opisyal na may mandato.
“While I cannot guess what the Supreme Court will do, in many cases in the past, the attitude of the Supreme Court has always been, kapag nahalal na ang isang tao, they will not touch the question of disqualification kasi ang paninindigan nila nagpasya na ang mga tao at dapat igalang ang pasya ng mga tao,” paliwanag pa ni Aquino.
Nitong nakalipas na Martes, naghain ng petisyon sa SC ang grupo ng mga civic leaders sa pangunguna ni Fr. Christian Buenafe na humihiling na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para pigilan ang Kongreso na mag-convene bilang National Board of Canvassers (NBOC) at bilangin ang boto ni Marcos. Hiniling din ng mga ito na ikansela ang Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos.
- Latest