Richard Gomez patuloy na nangunguna sa Ormoc City
MANILA, Philippines — Patuloy na nangunguna si incumbent Ormoc City Mayor Richard Gomez sa pinakahuling independent surveys sa siyudad sa kabila umano ng mga maruruming taktika ng kanilang pinakamahigpit na kalaban.
Base sa mga surveys, nakopo ni Gomez ang tiwala ng 80% ng mga botante sa ikaapat na distrito ng Leyte habang ang pinakamalapit niyang katunggali na si dating Comelec commissioner at congressional aspirant Gregorio Larrazabal ay nakakuha lamang ng 20%.
Noong Pebrero, nakakuha si Gomez ng 74.8%, at umakyat ng 79.5% nitong Abril. Nakakuha naman si Larrazabal ng 15.9% noong Pebrero at bahagyang tumaas ng 17.1% nitong Abril.
Nabatid na kaalyado ni Gomez ang mga alkalde sa distrito habang si Larrazabal naman ay nakaalyansa sa mga dating makapangyarihang pamilya ng Codillas na ginapi ni Gomez at kaniyang mga kaalyado sa nakalipas na dalawang eleksyon.
Noong 2019, nagbigay ang distrito ng 177,938 boto para kay Rep. Lucy Torres-Gomez, habang 50,969 lamang sa katunggali na si Eufrocino Codilla Jr. Sa siyudad ng Ormoc, nakakuha si Gomez at ang kaniyang tiket ng kumpletong sweep nang makopo ang 77,573 boto kumpara sa 29,785 ng katunggaling si Eric Codilla.
Ipinagmalaki ni Gomez na sa ilalim ng kaniyang pamumuno mula 2016, nagawa niyang baligtarin ang Ormoc City bilang dating kapital ng iligal na droga sa pinakapayapang siyudad ngayon sa bansa at pinakamaunlad sa Eastern Visayas.
- Latest