^

Bansa

OSG sa SC: TRO sa pag-aresto sa ex-Palawan governor, bawiin

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
OSG sa SC: TRO sa pag-aresto sa ex-Palawan governor, bawiin
2015 PNP booking photo of former Palawan governor Mario Joel Reyes.
PNP photo

MANILA, Philippines — Pinababawi ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) na inilabas nito na pumigil sa pag-aresto kay dating Palawan governor Mario Joel Reyes.

Batay sa 62-page na komento ng OSG, nais nitong  ipawalang bisa ang TRO na inisyu ng SC noong March 23,2022 at agarang ipaaresto si Reyes upang matiyak na makakaharap ito sa korte kaugnay sa kasong pagpatay sa anti-corruption crusader, environmentalist at broadcaster Dr. Gerry Ortega noong 2011.

Hiniling din ng OSG na ibasura ng SC ang petition for review on certiorari ni Reyes na layong mabaligtad ang desisyun ng Court of Appeals (CA) Special Former Eleventh Division na nagpapatibay sa warrant of arrest laban kay Reyes.

Si Reyes ay kinasuhan ng murder kabilang ang kapatid na si da­ting Coron mayor Mario Reyes at walong iba pa.

Binigyan diin ng OSG na may malinaw na basehan para maglabas na ang RTC ng warrant of arrest laban kay Reyes dahil sa lumabas na findings ng mababang korte na may malakas na ebidensya na magpapatunay na si Reyes umano ang nasa likod ng pagpatay kay Ortega.

 

MARIO JOEL REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with