^

Bansa

GIBO: Health crisis sa bansa ­paghandaan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Health crisis sa bansa paghandaan.

Ito ang binigyang diin ni dating Defense Secretary at senatorial candidate Gilbert (GIBO) Teodoro kasabay ng pahayag na dapat pang dagdagan ng pamahalaan ang healthcare facilities sa bansa.

Ayon kay Teodoro, dapat na maging aral sa gobyerno ang pandem­yang  dulot ng COVID-19 kung saan lahat ay apektado kabilang na ang  negosyo, kabuhayan at pamumuhay ng bawat Pilipino.

Kailangan aniyang mabilis na matugunan at maayudahan ang pangangailangan ng mga maaapektuhan ng sakit tulad ng COVID-19.

Sa kanyang pagdalo sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery ni Teodoro na dating Tarlac congressman at 1989 Bar topnotcher, bibigyan niya ng  prayoridad ang paglalaan ng mataas na pondo sa healthcare facilities.

“Now, first and foremost, it is still a health issue – that our gaps in the supply chains and bed capacities be addressed in case there is another surge,” ani Teodoro.

Gayundin ang ­dagdag sahod at benepisyo ng mga healthcare workers upang hindi na ­mangibang bansa.

GIBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with