Basyang at Agaton, nagpang-abot
MANILA, Philippines — Nagpang-abot ang bagyong Basyang (may international name na Malakas) at Agaton makaraang pumasok na rin sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang una.
Sa 5pm bulletin update ng PAGASA kahapon, namataan ang sentro ni Basyang sa layong 1,400 kilometro silangan ng Central Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 km per hour at bugso na 160 kph.
Pero ayon sa PAGASA, nakalabas na ng PAR ang naturang bagyo bandang 1:00 ng hapon kahapon at inaasahan na patuloy itong kikilos pa-Hilaga Hilagang-Silangan.
Samantala si Agaton ay namataan sa bisinidad ng Marabut, Samar taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugso na 75 kph.
Sa huling tala, umabot na sa P265.3 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil kay Agaton, o 2,132 magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.
- Latest