^

Bansa

'Kasinungalingan': Robredo bumanat vs red-tagging sa kanya, text blasts na pabor daw siya sa CPP-NPA founder

James Relativo - Philstar.com
'Kasinungalingan': Robredo bumanat vs red-tagging sa kanya, text blasts na pabor daw siya sa CPP-NPA founder
Philippine's Vice-President and opposition presidential candidate Leni Robredo speaks to supporters during a campaign rally in General Trias town, Cavite province, west of Manila, on March 4, 2022.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Hindi nakapagtimpi ang isang kandidato sa pagkapangulo sa patuloy na pagdidikit sa kanya sa mga rebeldeng komunista, ito habang may nagkakalat ng gawa-gawang texts kung saan ipadedeklara raw niyang "national hero" si Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) founder Jose Maria Sison.

"Andami daw nakatanggap nito kagabi. Tapos non-stop ang red-tagging sa akin at sa ating volunteers. May paandar pang bubuo daw ako ng coalition government kasama ang CPP-NPA-NDF. Para klaro: kasinungalingan ito," wika ni Bise Presidente Leni Robredo, Linggo ng gabi.

"Once and for all: Kaliwa, kanan, taas, baba, lahat handa tayong pakinggan — basta tapat, mapayapa, at handang magtrabaho para iangat ang buhay ng Pilipino. 'Yung mga talagang kilala ako, alam na hindi ako naniniwala sa dahas para solusyonan ang anumang problema."

 

 

Inendorso ng Makabayan bloc, na parte ng ligal na Kaliwa, ang kandidatura ni Robredo at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan sa pagkapresidente at pagkabise. Nasa ilalim ng 1Sambayan coalition sina Robredo at Makabayan senatorial bet Neri Colmenares. 

Ang mga ligal na aktibista ay walang armas laban sa gobyerno at iba pa sa NPA (kasundaluhan ng CPP), kahit may ilang pagkakapareho sa paniniwala ang una sa ikalawa.

"Yung mga talagang kilala ako, alam na hindi ako naniniwala sa dahas para solusyonan ang anumang problema. Alam na tutol ako sa sinumang pumupulot ng armas para maggiit ng sariling agenda," dagdag pa ni VP Leni.

"Hindi ako makikipag-alyansa sa mga ganun [CPP-NPA-National Democratic Front of the Philippines] or sa mga naniniwala dun. Priority ko ang magtrabaho sa mapayapang paraan para sa dignidad ng bawat tao, ang empowered and responsible exercise of freedoms, at ang fairness."

Hinala ni Robredo, mukhang tinatarget ng mga nasabing propaganda ang kanyang mga nakakatrabaho pati na ang mga unipormadong kasundaluhan: "Gusto nyong pigilin ang momentum ng People’s Campaign? Try harder. O better yet: Sumali na lang kaya kayo? Ipanalo na natin ‘to."

Pekeng interbyu, pekeng quotes

Ang isa sa mga sipi (quotes) na ina-attribute sa mga text kay Robredo tungkol sa pagpapauwi at pagpuri kay Sison ay na ipinakete bilang tugon daw sa panayam ng Rappler:

Joma Sison is a true patriot of the country. I will make sure he will finally return home this year if I win. He deserves to be named a national hero.

Walang ganyang nangyaring interbyu noong ika-9 ng Marso, 2022, ayon mismo sa Rappler. Ibig sabihin, gawa-gawa ito.

'Walang kausap para sa coalition government'

Pinasinungalingan naman ni CPP chief information officer Marco Valbuena ang mga paratang na nakikipag-usap ang Partido Komunista sa sinumang kandidato sa pagkapangulo para sa isang coalition government — bagay na pilit inilulutang ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson, na tumatakbo rin sa pagkapresidente.

"For the record, neither the CPP nor the NDFP has forged any agreement with any of the political parties running in the May 2022 elections," ani kay Valbuena nitong Sabado.

"Nor are the CPP or NDFP concerned with discussing a ‘coalition government’ at this time."

Matatandaang sinabi ni Lacson na "nakababahala" ang coalition government sa CPP-NPA-NDF, bagay na kanyang binanggit matapos i-retweet ang isang artikulo kung saan libu-libo ang pumunta sa isang campaign rally sa General Trias, Cavite.

Dagdag pa ng CPP, tila nagsisilbing attack-dog ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon si Lacson laban kay Robredo sa pag-asang mapapagwatak-watak ang malawak na kaisahan laban sa kandidatura nina presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa ngayon, umaasa lang daw ngayon ang mga rebolusyonaryong iboboto ng publiko ang kandidatong susuportahan ang usapang pangkapayapaan sa NDFP para mapag-usapan ang mga maaaring gawing reporma sa ekonomiya at pulitika atbp. ugat ng armadong tunggalian.

"Several presidential candidates, including Robredo and Lacson, have declared openness to 'peace talks'... none of the candidates have been explicit in declaring plans to resume the suspended peace negotiations with the NDFP and recognize all past agreements as basis for moving forward," pagtatapos niya.

Una nang sinabi ni presidential candidate Ka Leody de Guzman na bukas siyang ituloy ang peace talks at ilagay sa kanyang Gabinete ang ilang miyembro ng CPP-NPA-NDFP kung papayag silang makiisa sa kanyang gobyerno. Tinitignan niya ang grupo bilang rebolusyonaryo at hindi terorista, hindi gaya ng pananaw ng estado.

vuukle comment

ACTIVISM

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

LENI ROBREDO

LEODY DE GUZMAN

MAKABAYAN BLOC

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE'S ARMY

PANFILO LACSON

PEACE TALKS

RED-TAGGING

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with