40% ng Pinoy lumala kaledad ng pamumuhay sa nakalipas na taon — SWS
MANILA, Philippines — Halos kalahati ng adult Filipinos ang nagsabing bumaba ang kaledad ng kanilang pamumuhay kumpara noong nakalipas na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey noong Disyembre 2021 na inilabas lang nitong Linggo.
Ikinasa ang naturang Fourth Quarter 2021 SWS survey mula ika-12 hanggang ika-16 ng Disyembre gamit ang harapang panayam sa 1,440 adults.
Narito ang lumabas na mga resulta sa nasabing survey na may "sampling error margins" ma ±2.6% para sa national percentages at ±5.2% para sa Balance Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao:
- sumama (40%)
- hindi nagbago (36%)
- mas mabuti (24%)
"The resulting Net Gainers score is -16 (% Gainers minus % Losers), classified by SWS as mediocre (-19 to -10)," ayon pa sa survey firm kahapon.
"The December 2021 Net Gainer score is 28 points up from the extremely low -44 in September 2021, but still 34 points below the pre-pandemic level of the very high +18 in December 2019."
'Mas magandang mga datos sa lahat ng lugar'
Ang 28-point rise sa national Net Gainer score sa pagitan ng Setyembre 2021 at Disyembre 2021 ay dahil sa improvements na nangyari "sa lahat ng lugar," lalo na sa Metro Manila at Mindanao.
Narito ang mga nangyaring "pagganda" ng mga numero:
- Metro Manila, mula "catastrophic" patungong "mediocre" (-51 patunong -11)
- Balance Luzon, mula "extremely low" patungong "mediocre" (-41 patungong -11)
- Visayas, mula "extremely low" patungong "very low" (-46 patungong -31)
- Mindanao, mula "extremely low" patungong "mediocre" (-47 patungong -15)
Isinagawa ang survey noong nasa Alert Level 2 ang buong Pilipinas noong Disyembre, kung kailan nagluwag ang pandemic restrictions sa mga negosyo at aktibidad dahil sa mga pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.
Dahil dito, nakabalik ang maraming economic activities ng mga panahong ito at nakapagtrabaho ang marami.
Ang nasabing survey, na nagtatasa sa pagbabago sa kaledad ng pamumuhay ng mga respondents sa nakaraang 12 buwan, ay 143 beses nang ginagawa simula pa Abril 1983.
Ang naturang pag-aaral ay hindi kinomisyon ng pribadong mga indibidwal at bahagi ng inisyatiba ng SWS bilang serbisyo publiko. — James Relativo
- Latest