^

Bansa

Comelec division ibababa hatol sa Marcos disqualification cases bago ika-17 ng Enero

Philstar.com
Comelec division ibababa hatol sa Marcos disqualification cases bago ika-17 ng Enero
Comelec Commissioner Rowena Guanzon
Philstar.com / Efigenio Toledo IV, File photo

MANILA, Philippines — Sa loob ng isang linggo, babasahin na ang desisyon ng isang division ng Commission on Elections (Comelec) pagdating sa disqualification cases na inihahain laban kay dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos bago ang 2022 elections.

Ang pahayag tungkol sa promulgation ay inihayag ni Comelec commissioner Rowena Guanzon sa isang Tweet ngayong umaga.

"On or before Jan 17 the @COMELEC First Division will promulgate its Resolution on the DQ cases versus Marcos Jr," ani Guanzon sa kanyang social media account, Martes.

"If not too risky, we will read it in the Session Hall ,on livestream."

Biyernes lang nang bigo si Bongbong, anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, na humarap sa preliminary conference ng Comelec First Division sa tatlong hinaharap na disqualification cases para sa 2022 national elections. Aniya, na-expose kasi siya sa dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Matatandaang kinonsolida sa iisang kaso ang magkahiwalay na disqualification petitions ng grupong Akbayan at Bonifacio Ilagan kasama ng iba pang Martial Law survivors, na parehong iginigiit ang tax conviction ni Marcos na may parusang habambuhay na pagbabawal makatakbo sa posisyon sa gobyerno.

Maliban dito, may isa pang disqualification case laban sa dating senador na pinangungunahan ni Abubakar Mangelen. Pare-parehong hawak ng First Division ng Comelec ang tatlong reklamo.

Una nang tinawag ng kampo ni Marcos na "nuisance petition" ang hiwalay pang hiling na ikansela ang certificate of candidacy (COC) ni BBM, na siya ring ibinase sa kanyang non-filing ng income tax returns.

Iginigiit ng iba pang petitioners na gumawa si Marcos ng "false material representations" sa kanyang COC nang sabihin niyang eligible siyang tumakbo kahit na "perpetually disqualified" na siya rapat dito. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMMISSION ON ELECTIONS

ROWENA GUANZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with