^

Bansa

'Nuisance petition iyan': Kampo ni Bongbong Marcos bumwelta sa disqualification case

James Relativo - Philstar.com
'Nuisance petition iyan': Kampo ni Bongbong Marcos bumwelta sa disqualification case
Former Sen. Bongbong Marcos shows his certificate of candidacy for president in the 2022 elections.
The STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Aantayin muna ng kampo ng isang kontrobersyal na kandidato sa pagkapangulo ang opisyal na kopya ng disqualification case laban sa kanya bago magkomento sa isyu.

Kamakailan lang nang maghain ng petisyon ang ilang political detainees at rights organizations para makansela ang kandidatura ng anak ng diktador na si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dahil sa "sari-saring false representations" sa kanyang certificate of candidacy (COC).

"We shall address this predictable nuisance Petition at the proper time and forum — after we recive the OFFICIAL copy of the same," wika ni Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, Miyerkules.

"Until then, we will refrain from commenting on their propaganda. Our camp does NOT engage in gutter politics. Our campaign is about nation building."

 

 

Hindi eligible kumandidato?

Ang petition to cancel or deny due course the certificate of candidacy laban kay Bongbong ay inihain noong ika-2 ng Nobyembre alinsunod sa Section 78 ng Omnibus Election Code dahil sa diumano'y paglabag sa Section 74, Article IX nito.

"The Petition points out that Marcos' Certificate of Candidacy contains multiple false materials representations," ayon sa petisyong inihain ng mga tutol sa Martial Law ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

"Specifically, Marcos falsified his Certificate of Candidacy when he claimed that he was eligible to be a candidate for President of the Philippine in the 2022 national elections when in fact he is disqualified from doing so."

Aniya, convicted criminal si Bongbong sa Quezon City Regional Trial Court sa isang July 1995 decision dahil sa ilang ulit na kabiguang maghain ng income tax returns. Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon at hindi na inapela sa Supreme Court kung kaya't "final and unappealable" na ang conviction.

Dahil sa convicted na raw si Marcos dahil sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC), "perpetually disqualified" na raw dapat si Bongbong sa pagtangan ng anumang public office, bawal na bumoto o makilahok sa anumang eleksyon.

Ayon sa Section 253 (c) ng NIRC:

If he is a public officer or employee, the maximum penalty prescribed for the offense shall be imposed and, in addition, he shall be dismissed from the public service and perpetually disqualified from holding any public office, to vote and to participate in any election.

Maliban dito, convicted na rin daw at may final judgement si Bongbong pagdating sa mga krimeng may kinalaman sa "moral turpitude," na nagdi-disqualify din daw sa kanya na maging kandidato sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code. 

"The Petition ermphasizes that the crime is one involving moral turpitude since, among others, Marcos and his family refused and continues to refuse to pay to the Filipino people roughly Php203.8 BILLION in estate taxes, inclusive of interests, surgace, and other penalties," sabi pa ng petitioners.

'Biggest nuisance candidate'

Sa panayam ng CNN Philippines ngayong umaga, sinabi naman ni Fides Lim, isa sa mga petitioners para makansela ang kandidatura ni Marcos, na may bahagi ng nilagdaang form si Bongbong na nagtatanong kung siya'y na-convict na by final judgement, bagay na nalabag daw gamit ang "malicious, false representation."

"Wala siyang integrity, morality," ani Lim kanina.

Dagdag pa niya, reponsibilidad ngayon ng Commission on Elections na tanggalin ang "pinakamalaking nuisance candidate" sa 2022 na si Bongbong. — may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with