^

Bansa

Robredo: Magpasalamat sa biyaya ngayong Pasko kahit may hamon ng 'Odette,' COVID-19

James Relativo - Philstar.com
Robredo: Magpasalamat sa biyaya ngayong Pasko kahit may hamon ng 'Odette,' COVID-19
Filipino Catholics crowd the street fronting the Immaculate Conception Cathedral of Cubao in Quezon City as they attend the sixth Misa de Gallo on Tuesday, Dec. 21, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Sa kabila ng sari-saring kinakaharap ngayon ng Pilipinas gaya ng sakuna at pagpapatuloy ng pandemya, umaasa si Bise Presidente Leni Robredo na ipagpasalamat pa rin ang dumarating na biyaya sa lahat ngayong Kapaskuhan.

Ito nga ang sabi ni Robredo ngayong biseperas ng Pasko, matapos manalasa ng Typhoon Odette at pagpapatuloy ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

"Kaya ngayong Pasko, bilang nagkakaisang bansa, taimtim nating ipagpasalamat ang anumang biyaya," wika ni Robredo, Biyernes.

"Mas mahigpit nating yakapin ang ating mga mahal sa buhay, gaya ng paghigpit ng ating pagkapit sa pag-asa: Pag-asang dala natin sa ating kapwa sa tuwing ipinapakita natin ang pagmamahal sa kanila, at pag-asang dala nila sa atin sa tuwing tatanggapin natin ang kanilang pagmamahal."

Aabot na sa 326 ang pumapanaw dahil sa bagyong "Odette," na pinakamalakas na tumama sa bansa ngayong 2021. Kasabay nito, papalo na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 habang nagpapatupad pa rin ng mga paghihigpit ang bansa laban sa nakamamatay na sakit.

"Hindi naging madali ang nakaraang taon... Mayroon sa ating magpapasko nang hindi na kasama ang mga mahal sa buhay," dagdag pa ng ikalawang pangulo kanina.

"Ngunit sa kabila nito, nagbabalot tayo ng kahit na maliit na regalo, naghahanda kahit para sa munting salo-salo, nagsasabit ng parol at ilaw para iparamdam sa kapwa ang kaisipang dala ng Pasko: Na ang pag-asa, matatagpuan sa pagsasama-sama, sa pagbubukas ng loob sa kapwa, sa pagpaparamdam sa kanilang hindi sila nag-iisa."

Dagdag pa ni Robredo, na kumakandidato sa pagkapangulo sa 2022, ito mismo ang aral na makukuha kay Hesus: na isinilang sa sabsaban at namuhay ang karawniwang tao. Nagkatawang-tao raw aniya ang Panginoon para ipadala ang pag-ibig sa lahat habang nakikiisa sa karanasan ng publiko.

Bagama't kumakandidato at dala ang kulay na rosas (pink) sa 2022, naninindigan si Robredo na nag-iisa ang kulay ng pag-ibig na siyang kulay ng Pasko: 
"Muli, isang mapagmahal na Pasko sa inyong lahat."

'Diwa ng malasakit'

Umaasa naman si Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Jacqueline Ann de Guia na "mananaig ang diwa ng malasakit at bayanihan" sa lahat ngayong Kapaskuhan, lalo na sa mga kapuspalad na nasalanta ng bagyo sa Visayas at Mindanao.

"Patuloy ang panawagan ng CHR sa gobyerno na tugunan ang pangangailangan sa trabaho’t kabuhayan; pag-alalay sa mga negosyo na makapagbukas muli; ligtas na pagbubukas ng mga paaralan; at paniniguro na may ligtas at sapat na bakuna laban Covid-19 para sa lahat," ani De Guia kanina.

"Nawa'y ang diwa ng Kapaskuhan ay ating isabuhay sa lahat ng panahon. Ang pagmamalasakit at pagkalinga sa ating kapwa ay patuloy nating ipamalas sa lahat ng pagkakataon. Katuwang ninyo lagi ang Komisyon sa paninindigan, pagpapalaganap, at pagtataguyod ng katotohanan, karapatan, at, dignidad ng lahat."

Nagpaalala rin ang komisyon na sana'y manaig ang hustisya sa lahat ng insidente ng karapatang pantao, lalo na't naididiin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong war on drugs at political extrajudicial killings.

"Isipin natin lalo't higit ang kapakanan ng mga nasa laylayan ng lipunan para mapalakas ang mga serbisyong karapatdapat para sa kanila," dagdag pa niya, habang nagpapaalala na maghalal ng mga kandidatong magpapahalaga sa interes ng taumbayan sa susunod na taon.

BAGYONG ODETTE

CHRISTMAS

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

LENO ROBREDO

NOVEL CORONAVIRUS

SUPER TYPHOON ODETTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with