^

Bansa

Travel tax dapat alisin na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Travel tax dapat alisin na
Ayon sa RA 9593, 50 percent ng travel tax collection ay napupunta sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), 40 percent sa Commission on Higher Education (CHED), at 10 percent sa National Commission on Culture and Arts (NCCA).
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — “Alisin na dapat ang pangongolekta ng travel tax sa mga Pilipino na bumibiyahe palabas ng bansa”.

Ito ang inihayag at kahilingan sa pamahalaan ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO).

“Malaking ginhawa sa mga kababayan nating biyahero kung matutupad ang naturang panukala na ma-repeal ang probisyon ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 na nagpapataw ng travel tax na PHP P1,620,” sabi ni Atty. Marco Bautista, nominee ng TURISMO, isa sa 165 partylists na kinilala ng Commission on Elections bilang kalahok sa May 9, 2022 national elections.

Ayon sa RA 9593, 50 percent ng travel tax collection ay napupunta sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), 40 percent sa Commission on Higher Education (CHED), at 10 percent sa National Commission on Culture and Arts (NCCA). 

Layunin ng TURISMO Partylist na paglaanan na lamang ng Kongreso ang mga pondo ng TIEZA, CHED at NCCA mula sa annual national budget o General Appropriations Act.

“Malinaw na hindi maaasahan ang travel tax revenues para sa pondo ng TIEZA sa panahon ng kalamidad tulad ng pandemya kung saan ipinatutupad ang travel ban sa ilang mga bansa na apektado ng Omicron va­riant,” sabi ni pa Bautista.

TRAVEL TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with