^

Bansa

Metro Manila, 8 pa nakamit na ang herd immunity

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Metro Manila, 8 pa nakamit na ang herd immunity
A health worker prepares to administer the Sinovac vaccine against the COVID-19 coronavirus at Pinyahan Elementary School in Quezon City on April, 14, 2021.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nakamit na ng National Capital Region (NCR) at walong iba pang probinsiya ang herd immunity, ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 adviser Ted Herbosa.

Ang NCR plus eight ay kinabibilangan ng NCR, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, at Davao City.

Sa NCR ay lumampas na sa 90% ang kumpleto na ang bakuna at 100% ang nakatanggap na ng unang dose.

Dagdag ni Herbosa, may mga lugar pa rin na 40% pa lamang ang kumpleto na ang bakuna pero madadagdagan ito sa gagawing bakunahan sa Disyembre 15, 16 at 17.

Nasa 300 kaso bawat araw na lang ang naita­tala at maraming ospital na rin ang zero o walang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Ang banta na lang aniya ay ang Omicron kaya kailangang makumpleto ang 2 dose ng bakuna at maging ang booster dose para protektado ang lahat sakaling makapasok ang nasabing variant.

HERD IMMUNITY

NTF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with