Webinar sa bagong tobacco, health care law ikakasa
MANILA, Philippines — Magsasagawa ng kalahating araw na Webinar forum ang isang independent academic-based consultancy firm tungkol sa dalawang bagong batas tungkol sa buwis at regulasyon ng mga tobacco product at electronic cigarette o vape.
Itinakda ang event ngayong Disyembre 3, 2021 mula alas-9 hanggang alas-11 ng umaga.
Layunin nitong makapagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa publiko, partikular na sa mga publicist at media practitioner, sa Republic Acts (RA) 11346 at 11467.
Sa RA 11346, dinagdagan ang buwis ng sigarilyo at nagpataw ng excise tax at regulasyon sa mga e-cigarette.
Samantala, inamyendahan ng RA 11467 ang “National Revenue Code” na nagbibigay ng VAT exemption sa pagbebenta at importation ng mga gamot para sa diabetes, high cholesterol, hypertension, cancer, mental illness, tuberculosis at kidney disease.
Kabilang sa probisyon ang pagtataas sa excise tax ng mga wine at distilled spirit.
Naimbitang resource speaker sina Atty. Beverly Milo, executive assistant for large taxpayers service ng Bureau of Internal Revenue; Novel Bangsal, executive director ng budget and tax research bureau ng House of Representative at Miguel Antonio Estrada, isang ekonomista.
- Latest