^

Bansa

Isa pang disqualification case vs kandidatura ni Marcos sa 2022 inihain sa Comelec

James Relativo - Philstar.com
Isa pang disqualification case vs kandidatura ni Marcos sa 2022 inihain sa Comelec
Makikita sa larawan ang protesta ng Akbayan party-list at iba pang mga nais magpabasura sa kandidatura ni dating Sen. Bongbong Marcos sa pagkapresidente sa 2022
Released/Akbayan party-list

MANILA, Philippines — Sinalubong ng isa pang petisyon para i-disqualify ang isang kontrobersyal na "tax evading" presidential aspirant sa 2022, bagay na kanilang isinumite sa polling body ngayong araw.

Ang naturang petisyon ay inihain, Huwebes, ng Akbayan party-list, sectoral leaders at ilang biktima ng Martial Law laban kay dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa dahilang "perpetually barred from public office" daw ang huli kaugnay ng kanyang 1995 tax evasion conviction.

"Kaparehas ito sa pagnanakaw ng pamilyang Marcos. Hindi porket nakalusot silang magnakaw noon, papahintulutan pa rin sila magnakaw ngayon," ani Akbayan second nominee RJ Naguit sa isang pahayag.

"In the same manner, just because Bongbong was able to run in the past, that doesn't mean he gets to do it again."

Paglilinaw ni Naguit, bagama't suportado nila ang kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapangulo ay independiyente ang kanilang habang ngayon sa Comelec.

Ang naturang 1995 case ay ang kaparehong nabanggit sa isa pang petisyong humihiling sa pagkakansela ng certificate of candidacy (COC) ni Marcos dahil sa diumano'y pagkakaroon ng material misrepresentations.

Igiiniit daw kasi ni Marcos na eligible siyang tumakbo sa eleksyon kahit na napatunayang guilty si Bongbong ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng ilang beses na kabiguang maghain ng income tax returns.

Sa ilalim ng National Internal Revenue Code, habambuhay nang diskwalipikadong humawak ng anumang public office, bumoto o lumahok sa eleksyon ang sinumang mahahatulang convicted dito.

Kahit na nangyari ito, matatandaang ilang beses pang nakahawak ng posisyon sa gobyerno si Bongbong, na naging senador pa nga noon.

"The Filipino electorate deserve the most qualified candidates, not the perpetually disqualified. Bongbong's ineligibility to seek public office is a fact," wika pa ni Naguit laban sa anak ng diktador at dating Pangulong si Ferdinand Marcos.

"He is unfit to present himself as a legitimate electoral candidate. Removing Bongbong perpetually from our electoral race strengthens our democracy, and makes room for real and qualified candidates to have a chance to be elected and serve the people."

Ilan sa mga na-cite sa kanilang petisyon ang 2012 Supreme Court decision sa Jalosjos, Jr. v. Comelec case, kung saan sinabi ng hukumang obligasyon ng Comelec na pigilan ang mga kandidatong perpetually disqualified na tumakbo paulit-ulit sa halalan.

Maliban kay Naguit, kabilang sa mga lumagda sa petisyon sina:

  • Akbayan first nominee Percival Cendaña
  • dating Commission on Human Rights chairperson Etta Rosales
  • Jean Enriquez ng Coalition Against Trafficking in Women (CATW-Asia Pacific)
  • Nice Coronacion ng Sentro ng Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO)
  • Martial law victim-survivor Doris Nuval ng Claimants 1081

Itinuturing ngayon nang marami ang presidential bid ni Bongbong bilang isa sa mga "most-contested" na kandidatura sa kasaysayan ng Pilipinas.

Bukod pa disqulification at COC cancellation petitions, humaharap pa si Bongbong sa petisyon para ideklara siyang "nuisance candidate." — may mga ulat mula sa News5

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

COMISSION ON ELECTIONS

DISQUALIFICATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with