^

Bansa

Sara Duterte 'inampon' bilang VP candidate ng partidong itinatag ni Miriam Santiago

James Relativo - Philstar.com
Sara Duterte 'inampon' bilang VP candidate ng partidong itinatag ni Miriam Santiago
Makikita sa file photo na ito sa Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio habang nagtatalumpati
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Susuportahan ng isa pang partido pulitikal ang kandidatura ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkabise presidente sa darating na halalan ng 2022.

Sa resolusyong isinapubliko ngayong Huwebes ng People's Reform Party — partidong itinatag ng yumaong Sen. Miriam Defensor-Santiago — ina-"adopt" na nila bilang vice presidential bet ang pambato ng Lakas-CMD na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

"NOW THEREFORE, the executive community of (PARTY) pursuant to the powers vested to it by its Constitution and By-Laws, RESOLVED, as it hereby RESOLVED, to adopt MAYOR SARA DUTERTE-CARPIO of Lakas-CMD PARTY as the party's candidate for VICE PRESIDENT of the Philippines in the 9 May 2022 National Elections," sabi ng dokumentong nilagdaan ng kanilang presidenteng si Narciso Santiago Jr. nitong Martes.

Paliwanag ng PRP nina Santiago, ginagawa nila ito kahit na wala silang opisyal na kandidato at hindi naghain ng certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa naturang posisyon.

Nangyayari ito matapos sabihin ni Digong, na naghain ng certificate of candidacy sa pagkasenador sa 2022, na ineendorso niya sa pagkapresidente sina Sen. Christopher "Bong" Go at anak na si Sara para sa pagkabise.

Magkatambal ngayon at "running mates" sina Inday Sara at Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant na si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos sa 2022.

Iringang Sara at PDP-Laban?

Kahapon lang nang sabihin ni Sara na tumanggi ang administration party na PDP-Laban, na kinapapalooban ni Digong, na iendorso ang kanyang kandidatura sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa 2022.

"Ang aking partido ay nakipag-alyansa at humingi ng suporta para kay Bongbong Marcos at para sa akin matapos kong tanggapin ang inyong hamon at panawagan," sambit niya.

"Tinanggihan ito ng PDP at naiintindihan natin ito."

Ayon kay Melvin Matibag, secretary general ng PDP-Laban, nirerespeto nila ang desisyon ni Sara na tumakbo at maging katambal ni Marcos. Gayunpaman, may alyansa na raw sila sa Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), partido kung saan tatakbo sa pagkapresidente si Go.

"Our Alliances are strong and our leaders’ and members’ discipline, spirit, and morale are high. We have towed the line and will support the candidacy of Senator Bong Go for President and President Rodrigo Duterte for Senator," ani Matibag sa mga reporter.

Wala pang malinaw na susuportahan ang PDP-Laban para sa pagkabise presidente sa ngayon. Hindi rin niya sinasagot kung ieendorso pa nila si Sara sa pagka-VP. — may mga ulat mula sa News5

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

CHRISTOPHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with