^

Bansa

Kandidatong 'placeholder' para sa ibang pambato ideklarang nuisance, hamon sa Comelec

James Relativo - Philstar.com
Kandidatong 'placeholder' para sa ibang pambato ideklarang nuisance, hamon sa Comelec
Litrato ni Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa (kaliwa) habang hawak ang kanyang COC sa pagkapangulo sa ilalim ng partidong PDP-Laban, ika-8 ng Oktubre, 2021; logo ng Lakas–Christian Muslim Democrats (gitna); file photo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio
Released/Comelec; Released/Monkayo municipality

MANILA, Philippines — Hinamon ng isang kinatawan sa Kamara ang Commission on Elections (Comelec) na agad tanggalin sa listahan ng mga kandidato ang mga naghain ng certificates of candidacy (COC) na nag-aantay lang talaga ng substitution ng ibang personalidad.

Ito ang banat ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate sa ilang tumatakbong hindi naman seryoso sa pinupuntiryang posisyon dahil sa "panloloko" sa mga botante't "pang-aasar" sa  proseso ng halalang 2022.

"Kung tatakbo ka sa halalan dapat ito ay masinsin mong pinag-aralan at pinag-isipan hindi yung parang hinatak ka lang dyan para may pumalit sa 'yo. Nakakainsulto ito sa mga botante at pinagmumukhang katatawanan ang halalan," ani Zarate sa isang pahayag, Miyerkules.

"We are challenging the Comelec to immediately declare these placeholder candidates as nuisance for making a mockery of the election process and insulting the intelligence of voters,. These candidates should even be punished for this election atrocity."

Ilan na sa mga naghain ng COC ang aminadong placeholder lang ayon sa kanilang mga partido, o talagang handang umatras oras na maghain para sa "substitution" ang kanilang kapalit bago ang ika-15 ng Nobyembre.

Matatandaang ganitong paraan nakatakbo sa pagkapresidente si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 elections, kung saan naging last minute substitute siya ng naunang PDP-Laban candidate na si ngayo'y Interior Undersecretary Martin Dino.

"We are also calling on the people to reject and junk these types of candidates and parties because they are just taking everyone for a ride," panapos ni Zarate.

Nuisance candidates sa ilalim ng batas

Ayon sa Section 69 ng Omnibus Election Code, itinuturing na nuisance candidate ang mga kandidatong:

  • nais gawing katatawanan (mockery) ang election process, pati na rin ang mga nais sirain ang magandang reputasyon nito (disrepute)
  • layong manlito ng mga botante dahil sa pagkakaroon ng malaking pagkakahalintulad sa pangalan ng iba pang rehistradong kandidato
  • nagpapakita na wala silang seryosong intensyon na tumakbo para sa posisyong hinainan ng COC

Sa kabila nito, walang parusa sa kanila maliban sa pagtatanggal sa listahan ng mga opisyal na kandidato.

Matatandaang naipasa na sa ikatlo at huling pagdinig ng Kamara at P100,000 multa para sa mga idedeklarang nuisance candidates ng Comelec. Meron ding nakabinbing counterpart bill nito sa Senado na layong magpataw naman ng P50,000 sa mga nabanggit.

'Placeholders ni Sara'

Una nang sinabi ni PDP-Laban presidential bet Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na handa siyang umatras sa kandidatura kung biglang mapagdesisyunan ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa ilalim ng kanilang partido.

Nabanggit na ng election lawyer na si Romulo Macalintal na posibleng matawag na nuisance candidate si Dela Rosa sa kahandaan niyang umatras, lalo na kung wala siyang genuine intention na kumandidato sa posisyon.

Sa kabila nito, mariing idiniin ng senador na hindi niya ginagawang katatawanan ang electoral process sa kanyang pinaggagagawa, lalo na't ni minsan ay wala siyang nabanggit tungkol sa planong kumandidato sa pagkapangulo. Ni walang ugong-ugong na nais niyang magpresidente.

"Do I look like a mockery to you? I won as a senator. Number Five po ako last na eleksyon... Is that mockery? Is it a mockery to the 19 million Filipinos who voted for me as a senator of this republic?" galit niyang sagot sa isang reporter noong nakaraang Biyernes.

Aminado rin si Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) secretary general at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. na pinaghain nila ng COC sa pagkapangulo ang isang Anna Capela Velasco na pwedeng-pwede raw palitan ni Inday Sara kung gugustuhin ng huling kumandidato sa pagkapresidente, posisyong hinahawakan ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyan.

Una nang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na pwede ka lang mapalitan sa pamamagitan ng substitution kung kapartido mo ang hahalili. Hindi miyembro ng PDP-Laban o ng Lakas-CMD si Sara Duterte.

 

2022 NATIONAL ELECTIONS

BAYAN MUNA PARTY-LIST

LAKAS-CMD

NUISANCE CANDIDATE

RONALD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with