^

Bansa

Granular lockdown sa Metro Manila ‘di pa aprub ni Duterte

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Granular lockdown sa Metro Manila ‘di pa aprub ni Duterte
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang ‘granular lockdown’ sa National Capital Region (NCR) umpisa sa Set­yembre 8.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Hindi pa nagbibigay ng ‘go-signal’ si Pa­ngulong Rodrigo Duterte para sa implementasyon ng ‘pilot granular lockdowns’ sa Metro Manila ilang araw bago magtapos ang kasalukuyang klasipikasyon ng qua­rantine sa Setyembre 7.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang ‘granular lockdown’ sa National Capital Region (NCR) umpisa sa Set­yembre 8.

“New quarantine res­ponses still for approval of PRRD (President Duterte),” ayon sa text message ni Roque sa mga mamamahayag kahapon.

Sinabi naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na kung maaaprubahan na ng Pangulo, tanging mga tukoy na lugar na may matataas na kaso ng COVID-19 ang ilalagay sa lockdown.

Ang ibang lugar na hindi isasailalim sa ‘granular lockdown’ ay bubuksan naman sa ekonomiya upang lumakas ang mga negosyo at bumalik ang kabuhayan ng taumbayan.

Pinipino pa umano ng pamahalaan ang naturang panuntunan na agad na maipatutupad sa Setyembre 8 kapag nagbigay na ng ‘go signal’ ang Pangulo.

Una nang sinabi ng IATF na patungo na ang pamahalaan sa direksyon ng pagpapatupad ng ‘granular o localized lockdowns’ na nakikita nilang mas epek­tibo kaysa sa regular na quarantine classifications na nakasanayan na ng publiko.

Una na ring sinabi ni Roque na kinakailangan na ng bagong taktika ng pamahalaan sa lockdowns dahil sa tila hindi na epektibo ang ipinatutupad na mga ‘quarantine classifications’.

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with