^

Bansa

‘Economic roadmap’ ilalatag ng Hugpong para kay Sara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�Economic roadmap� ilalatag ng Hugpong para kay Sara
Sinabi ni Bagong Henerasyon (BH) party-list Rep. Bernadette Herrera na magiging krusyal ang mga isyung ito upang magdesisyon si Mayor Sara Duterte sa hamon na tumakbo sa Panguluhan.
STAR / File

Para kumbinsihing tumakbo

MANILA, Philippines — Ilalatag ng Hugpong para kay Sara (HPS) ang economic roadmap sa susunod na anim na taon upang kumbinsihin si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa 2022 presidential polls.

Sinabi ni Bagong Henerasyon (BH) party-list Rep. Bernadette Herrera,, spokesperson ng HPS, na malalim na pag-aaral ang ginagawa ng grupo sa iba’t ibang mga isyu na kinabibilangan ng economic reco­very plan sa panahon ng pandemic, kahirapan, China-US relations, West China Sea, karapatang-pantao, kawalan ng trabaho, giyera sa droga, extra-judicial killings at estado ng edukasyon at maraming iba pa.

Sinabi ni Herrera na magiging krusyal ang mga isyung ito upang magdesisyon si Mayor Sara sa hamon na tumakbo sa Panguluhan.

Muling inihayag ni Herrera na ilulunsad ang HPS, isang citizens movement na kinabibilangan ng mga grupo mula sa academe, mambabatas at margina­lized sector, sa September 12.

Ayon kay Herrera, patuloy na lumalaki ang bilang ng mga organisasyon at indibidwal na sumusuporta sa HPS na mayroong chapters sa National Capital Region (NCR) at mga probinsiya.

Nagpahayag naman ng suporta ang OFWs sa Kuwait at Dubai sa Middle East at maging sa Florence, Italy at Canada para suportahan ang lumalawak na panawagang tumakbo si Mayor Sara.

vuukle comment

HPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with